Chapter 43

835 20 0
                                    

"Jean, matatapos ka na ba d'yan sa table skirting?" tanong sa 'kin ni Karen habang tinutulungan niya si Maine sa paggagawa ng backdrop. Purnada ang plano, 'di nasunod. Tinanghali ba naman kami ng gising dahil nag-sleepover sila sa amin. Nabulabog nga namin 'yong bahay dahil ang ingay-ingay nilang kasama. Mabuti na lang hindi naman nagalit si mama, si kuya Jake lang. Nabibwisit siya sa amin dahil ka-videocall niya raw si ate Allen. Aba, nagkabalikan na yata ang dalawa.

"Oo, patapos na."

Tinanggal ko na ang lahat ng aspile at thumbtacks na nakakalat sa ibabaw ng lamesa nang matapos ko na 'yong bongga kong skirting.

Si Karen naman, hinayaan na si Maine na tapusin 'yong backdrop. Tinulungan ko si Karen na kunin 'yong mga cupcakes mula sa kitchen.

"Nararamdaman niyo na bang may forever?" tanong ni Karen nang matapos na namin ang decoration. Nailagay na rin namin lahat ng cupcakes. Well, maganda nga ang kinalabasan.

"Wala, 'no?" sagot ko.

"Panira ka ng moment. Sasabihin na talaga kita kay Raven."

"Ang perfect!" komento ni Maine habang pinagmamasdan ang kabuoang disenyo ng gawa namin. Dapat pala dinala ko 'yong DSLR ko para nakuhanan ko ng picture.

Pinuri naman nila Professor Rex at Professor Villacrusis ang gawa namin at hindi na raw sila magtataka kung kami ang mananalo.

Ilang minuto ang lumipas nang magdagsaan ng mga taong nakikiusyoso sa mga set-up na nasa stage. Pinagkukuhanan nila ng picture ang mga 'yon at base sa daloy ng tao na pumupunta sa set-up namin, mukhang napabilib din namin sila.

Tiningnan ko ang orasan ko, alas dose na pala ng tanghali. Kaya pala kumakalam na ang sikmura ko. Niyaya ko na ang dalawang kumain. Nagpaalam na rin kami kay Professor Rex at Professor Dela Cruz.

"Kailan nga pala malalaman ang mga nanalo?" tanong ko.

"Sa Biyernes pa, sa CHMT Night." Napa-ahhh na lang ako. Tagal pa pala.

"Kasi bukas, may mga skills competition pa. May street dance pa nga bukas 'yong Tourism students, eh," sabat naman ni Maine.

"Ano-ano pang laban ang natitira?" tanong ko.

"Mamaya, pagkatapos ng table skirting, flower arrangements. Tapos bed making. Bukas 'yong sa Street dancing ng Tourism, and pre-flight safety demonstration tsaka tourguiding tapos may Quiz bee yata sila. Then, paggawa ng itinerary at pag-advertise ng tour package," paliwanag ni Karen.

"Oo, tapos sa hapon Waiter's relay, table napkin folding, flairtending at mixology. Hindi ka ba nakinig no'ng meeting natin?" tanong naman ni Karen.

Nagkibit-balikat ako. Malay ko ba kung anong iniisip ko ng mga oras na 'yon? Syempre wala, wala naman akong isip, eh. Ah, si Raven siguro ang iniisip ko.

"Teka, 'di ba sobra sa one hundred 'yong cupcakes na nagawa natin? Nasaan na?" tanong naman ni Maine.

"Malay ko."

Umiwas ako ng tingin. Aba, akin na lang 'yon! Hindi na kayo naawa sa pinaggamitan niyo ng gasul. Mahal mahal ng gasul, eh! "Baka nasa kitchen pa," dugtong ko pa.

"Hayaan na nga. Baka may kumuha na no'n. Alam mo naman, mga PG."

PG pala, ha! Kutusan kita Maine, eh! Hindi ako patay gutom, 'no! Tsaka, bayad 'yon sa gasul!

"Manonood pa kayo?" tanong ko nang matapos kami sa pagkain.

Umiling sila. "Umuwi na tayo. Masyado nang naubos ang energy ko," yaya ni Maine. Ang daya naman, gusto ko pang manood! Lalo na 'yong baby making. Ay, mali! Bed making pala! Shemay, 'yong bibig ko!

With You Forever (Forever Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon