Chapter 45

1.4K 31 7
                                    

Naramdaman ko ang mariing paghaplos sa pisngi ko kasabay ng pagtawag ng pangalan ko.

"Jean...narito na ako."

Unti-unti kong iminulat ang mga mata ko at sumalubong sa akin ang mukha ni Raven. Tumulo ang luha ko na kanina pa namimintana. Nakahiga ako sa kandungan niya habang nakasandal naman ang likod niya sa pader. Narito pa rin kami sa studio pero wala na ang tatlong lalaki na gumarapal sa akin.

Iniwasan ko ang tingin niya at nakita ko ang mga basag na boteng nakakalat sa sahig pati na rin ang mga gamit na sira-sira na para bang may humawing ipo-ipo. Ngunit ang mas ikinabahala ko ay ang mga tulo ng dugo sa sahig.

Madali akong napabangon para suriin iyon at sa pagtayo ko, doon ko napansing maayos na ang damit ko. Hindi na rin nakatali ang kamay at paa ko. Maging ang nakatapal sa bibig ko ay wala na. Ngunit mas itinuon ko ang aking atensyon sa mga bahid ng dugo.

Napalingon ako kay Raven. Nakatago ang kamay niya. Agad ko 'yong kinuha at tiningnan. Puro dugo at sugat.

"A-anong nangyari rito? Bakit may mga sugat ka?" tanong ko na punong-puno ng pag-aalala. Kinuha ko ang panyo sa bulsa ko at itinali 'yon sa kamay niya para mapatigil ang pagdurugo.

"Hindi na mahalaga 'yon. Ang importante ay ligtas ka na." Ginulo niya lang ang buhok ko at pilit na ngumiti. Paano niya nagagawang ngumiti at palakasin ang loob ko pagkatapos ng nangyari? Galit siya sa akin, hindi ba? Bakit parang hindi na ngayon?

Niyakap niya ako nang mahigpit dahilan para hindi ako makahinga. "Palagi mo na lang akong pinag-aalala," bulong niya sa akin. "Hindi ko na alam ang gagawin ko sa 'yo. Kung pwede lang kitang itali sa akin para hindi ka na mapahamak."

"Sorry..." Mahigpit ko rin siyang niyakap. "Sorry, Raven. Hindi ko alam na ganito ang mangyayari. Gusto ko lang namang humanap ng paraan para hindi na ako umalis, para hindi na kita kailanganing iwan kaso ang tanga ko. Ganito pa ang nangyari. Akala ko kasi totoo sila."

"Bakit ba kailangan mo kong iwan?" tanong niya na sa wari ko'y nasasaktan siya kapag nababanggit ang salitang 'iwan'. Iniangat niya ang ulo ko para magtagpo ang mga mata namin.

"May sakit kasi si papa. Kailangan namin siyang puntahan sa Korea para alagaan. Pagkatapos ng taong ito, susunod na kami sa kaniya roon," paliwanag ko. "Humahanap ako ng paraan para hindi makasama kasi ayokong iwan ka rito."

Pinunasan niya ang luha ko. "Hindi ko makita ang dahilan bakit kailangan mo akong iwan. Hindi ba kita kayang hintaying bumalik?"

"Baka hindi na kami bumalik."

"Kaya kitang puntahan kahit nasaan ka."

Hindi ako nakasagot. Wala na naman akong sagot sa kaniya.

"Hahanapin at hahanapin kita."

Napayuko ako pero inangat niya lang muli ang ulo ko para hulihin ang mga mata kong umiiwas sa kaniya.

"Dapat sinabi mo na sa akin ang problema noon pa. Narito ako, Jean. Anong silbi ko kung hindi kita tutulungan?"

Hinawakan niya ang pisngi ko at hinaplos iyon.

"Ilang beses kong sinubukan pero palagi ko na lang nakikita ang sarili kong nananatili sa 'yo. Hindi kita maiwan, Raven."

"Then, stay. All you need to do is stay beside me as we try to figure things out together. If that day comes and you really have to leave me here, I'll go to you. This path to you will never end."

Hinawakan niya ang magkabilang pisngi ko. "Just stay, please...only then you can leave me."

"Paano mo ako palaging nahahanap?" tanong ko nang makasakay na kami sa sasakyan niya. Sinabi niya sa akin na may mga pulis daw na dumating kanina at pinaghuhuli 'yong tatlo. Lalo na nang makita nilang gumagamit ang mga ito ng black drugs.

With You Forever (Forever Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon