Chapter 39

1K 30 0
                                    

"T-t-teka! Anong meron?" tanong ko sa mga estudyanteng nakakasalubong ko. Papasok pa lang ako ng South Middleton University nang makita ko ang malaking kaguluhan.

Maraming mga estudyante ang nagtatakbuhan. Ilang estudyante na rin ang nakabangga sa 'kin ngunit kahit isa sa kanila ay walang sumagot sa tanong ko. May lindol ba? Sunog? Landslide? Ano? Bakit para akong nasa malaking delubyo?

Nagulat ako nang biglang tumunog ang cellphone ko. Sinagot ko 'yon agad nang makitang tumatawag si Karen.

"Hello, Jean? Naririnig mo ba 'ko?"

"Ha? O-oo, bakit? Bakit ka bumubulong?"

"Huwag ka na munang pumasok."

Kumunot ang noo ko sa sinabi niya. "Ha? Bakit naman?"

"Basta makinig ka na lang sa 'kin. Kung nasa bahay ka man ngayon, mag-stay ka na lang d'yan. Huwag ka munang pumasok."

Nakaramdam ako ng kaba. Ano ba talagang nangyayari? Bakit may umiiyak na mga bata sa paligid ko? At ang iba naman ay parang aligaga na tumakas.

"Ano ba talagang meron? Narito na ako sa loob."

"Nakapasok ka na? Then, run! Run as fast as you can and leave this university! Ms. Parker, next."

Nakarinig ako ng hindi pamilyar na boses sa kabilang linya.

"Karen? Hello? Kare—?"

Tuluyan nang naputol ang kabilang linya.

Puno ng pagtataka akong tumakbo papalabas nang may makakita sa 'king professor at pinatigil ako.

"Where do you think you're going?" tanong niya sa 'kin. Hindi pamilyar ang lalaking propesor na ito kaya lalo akong kinabahan.

"Ahh...Ano po...Magsi-c.r. lang po," sagot ko.

"You can't fool me, woman. Are you trying to escape?"

Umiling ako.

"Naiihi na po talaga ako."

Sinuri niya akong mabuti bago siya nagsalita, "Save your pee because you'll need to do it later. Follow me."

Wala na akong nagawa kung hindi ang sumunod sa kaniya. Pilit kong hinahanap sa paligid si Raven pero hindi ko siya makita. Nakapasok na rin ba siya? Okay lang ba siya?

Ano ba talagang kaguluhan ang nagaganap sa South Middleton University? Nag-aalala ako lalo at nababahala dahil sa mga naririnig kong sigaw na hindi raw sila kasali at wala silang alam.

"Sir, ano ho bang nangyayari?"

Siguro naman sasagutin niya ang tanong ko. Nakakapanibago kasi. Normal kong nakikita sa araw-araw ang katiwasayan sa school na ito na tila ba walag dungis at hindi makabasag-pinggan. Ngayon naman ay kabaliktaran.

"We'll be having a sudden drug test to check everyone's sanity. May natangpuang secret room dito sa South Middleton University na para bang ginawang drug den. Kumalat iyon sa social media kung kaya't ipinapahanap ni Mr. South Middleton kung sino ang tao sa likod nito."

Napasinghap ako. Siguradong magugulat siya kung sino ang nagpapalaganap ng illegal drugs dito sa school niya.

Nakaramdam ako ng kaba lalo na nang maalala ko ang tagpong 'yon sa locker room. Noong nakita ko si Sheen at Xyrah na nagbigayan ng ilegal na droga... Noong kumuha ako ng sample pero nailagay ko 'yon sa bibig ko dahil sa kaba.

Napapikit ako. Bakit? Bakit ang tanga ko?

Lumala ang takot sa puso ko. Hindi ko mapigilang maisip si Raven.

With You Forever (Forever Series #1)Where stories live. Discover now