Chapter 5

1.7K 68 102
                                    

Ilang araw lang ako sa hospital at nilabas na ako. Medyo masakit pa rin ang katawan ko pero kaya ko na namang kumilos. Mabuti na lang daw wild lang 'yong nangyari sa akin este mild pala. Kinausap rin ako ni papa at kinumusta. Syempre, hindi mawawala ang mga pangaral niya na mag-ingat raw ako at magdasal bago lumabas ng bahay.

Kinabukasan, maaga akong gumising. Ayoko nang ma-late pa at magmadali sa pagpasok baka mamaya may masama na namang mangyari sa akin.

Nagpaalam na ako kay mama pagkatapos kong kumain. Naglakad na ako papuntang South Middleton University. Mabagal lang. Wala naman sigurong mangyayaring masama ngayon, 'di ba? Hays.

Gate palang ng South Middleton University malulula ka na sa ganda at laki nito. Napaka-hightech din kasi biometrics lang ay alam na kung sino at kailan lumalabas at pumapasok ang tao.

Sobrang lawak ng university na ito hindi katulad ng vocabulary words ko. Biro mo mula kindergarten hanggang college student dito nag-aaral. Hindi na nakapagtataka na mamaya ay maliligaw ako sa sobrang daming tao at mga buildings na nandito, malulula at malilito talaga ako for sureness.

Laking pasalamat ko sa Diyos nang hindi ako naligaw at natagpuan ko ang room ko. Buti naman maaga pa at iilan-ilan palang kami. Wala pang professor kaya pumasok na ako at pumunta sa pinakadulo at doon umupo. Nakita kong pumasok ang isang babaeng maganda at matangkad na nakatingin nang masama sa akin. Ano na namang ginawa ko? Umagang-umaga, mamalasin na yata kaagad ako.

"Excuse me?"

Tinuro ko ang sarili ko bilang tanong kung ako ba ang kinakausap n'ya.

"Oo, ikaw. Umalis ka sa upuan ko kung ayaw mong hilahin ko ang buhok mo paalis d'yan."

Wow. Ang taray naman ng isang ito.

"Ah, s-sorry," sagot ko na lamang dahil ayoko nang pumasok sa gulo. Kailangan kong matutong huwag silang patulan dahil malma na ang katawan ko. Kailangan kong magkaroon ng mahabang pasensya dahil ayokong madawit na naman sa gulo.

Umalis ako sa upuan at naghanap ng mapaglilipatan. Ganoon naman talaga, kung saang lugar ka hindi tanggap, umalis ka. May lugar na tatanggap sa 'yo kaya huwag mong ipagsiksikan ang sarili mo.

Sakto namang dumating ang isang professor at nakita ako.

"Oh, good morning! You must be Ms. Heather Jean Duerre," sambit nito sa akin.

"Opo, Ma'am." Ngumiti ako sa kan'ya.

"I heard what happened. Okay ka na ba?" Tumango ako bilang sagot. "Come here in front and introduce yourself first."

Napansin kong may mga estudyante nang nakaupo sa mga bakanteng upuan kanina. Tumango na lang ako at pumunta sa unahan para ipakilala ang sarili ko.

Ngumiti ako sa kanilang lahat at nagsimulang magpakilala gamit ang kabisado kong speech na tinuro ni kuya sa akin kahapon. Nakaka-hawak este touch s'ya dahil ayaw niya raw akong mapahiya kaya binigyan niya ako ng kodigo.

"Hello! I'm Heather Jean Duerre. I'm seventeen years old," panimula ko.

"So, why did you choose this course?"

"I really want to learn all about the things that are related to the hospitality industry, such as cooking, bartending, table napkin folding, catering, and so on. I am so interested in this course; that's why I chose to be an HRM student. Sana marami akong matutunan. Kung may tanong kayo, itanong n'yo lang sa akin—"

Napatingin naman ako sa nagtaas ng kamay. Hala! Bakit may magtatanong nga? Sabi ni kuya, wala raw! Baka kung anong itanong n'ya sa akin! Hindi pa naman ako ready. Dapat 'di ko na lang talaga sinabi ang huling sinabi ko. Mapapahiya pa yata ako. Si kuya Jake kasi!

With You Forever (Forever Series #1)Where stories live. Discover now