Chapter 18

1.1K 47 6
                                    

Nakita ko si Kurt at si Clark sa tapat ng isang malaking bahay. Samantalang ako, ay nanatili sa tabi ng kotse. Mabuti naman at hindi na lumabas si Raven do'n kasi talaga baka masuntok ko na siya.

"Xyrah! Lumabas ka d'yan!" sigaw ni Kurt na nanggagalaiti na sa galit. Ngayon ko lang siyang nakitang ganiyan. Madalas tahimik lang siyang nakikinig at nagmamasid sa amin. Mahinahon lang din siya habang nakangiti at nakatingin kay Karen sa tuwing nagkakasabay-sabay kaming kumain pero ngayon, ibang-iba na siya. Totoo nga, nagbabago ang isang tao lalo kung nasa ganitong sitwasyon. Halos gibain niya na ang gate ng bahay ni Xyrah.

"Isa! Alam kong nand'yan ka! Ilabas mo si Karen!"

Napalingon sa likod si Clark at nakita niya ako. Lalapit na sana siya sa 'kin nang magbukas ang pinto ng gate at iniluwa no'n si Xyrah na ngayo'y nakapangtulog pa. Mukhang wala sa plano niyang pumasok sa school at doon ko nakompirmang gumagawa siya ng alibi para hindi masisi sa pagkawala ni Karen.

"Bakit ka ba sumisigaw, Kurt? Ano bang problema?" inosenteng tanong ni Xyrah.

"Where's my girlfriend?" tanong ni Kurt na naging dahilan ng pagtawa ni Xyrah.

"Girlfriend? I thought she's your ex. She broke up with you last night, right?"

"How did you know?" nagtatakang tanong ni Kurt.

"Well, you know, I know everything about you Kurt,: nakangiting sabi ni Xyrah at hinawakan ang mukha ni Kurt.

"Nasaan si Karen? Saan mo siya dinala?" tanong pa ni Kurt na kababakasan na ng sukdulang galit.

"Ako na ba ang hanapan ng nawawalang ex-girlfriend ngayon?" sarkastikong sagot ni Xyrah.

"Fuck! Mukha ba akong may oras para makipagbiruan sa 'yo?"

"Chill, mas lalo akong natu-turn on kapag galit ka, babe. Remember our old days when we're still together? What if we make up for all those times that we are away from each other now that your ex is gone?"

Nagngitngit ang mga ngipin ko. Gusto ko na siyang sugurin at sakalin, sa totoo lang.

"Shut the fuck up, Xyrah, and tell me where my woman is."

"Why would I do that? What's in it for me, darling?"

Gusto ko yata ng babaeng 'to dahas na, eh. Kung sugurin ko kaya siya ng sampal? Gayong naaalala ko na naman ang mga ginawa niya sa akin, eh.

Bigla namang tumunog ang cellphone na hawak ni Xyrah. Kumunot ang noo niya at akmang papatayin nang hablutin iyon ni Kurt sabay sagot ng tawag. Hinawakan naman ni Clark si Xyrah at tinakpan ang bibig para pigilan ito sa balak nitong gawin.

Mayamaya lang ay ibinalik na ni Kurt kay Xyrah ang cellphone nito bago niya ito hilahin papunta sa kinalalagyan ko.

Napadako ang tingin ni Xyrah sa akin at ang sama-sama ng tingin niya na para bang hindi makapaniwala na narito ako sa harap niya. Tuluyan na siyang pumasok sa loob ng kotse.

"Are you okay?" tanong ni Clark sa akin. Kumunot ang noo ko.

"Ako si Jean."

Ngumiti naman siya saglit sa akin at pinapasok ako sa loob. Nasa pagitan namin ni Clark si Xyrah at kinikilabutan ako, natatakot ako na baka ano na namang gawin niya sa akin. Nakangiti lang siya nang masama.

"So, totoo nga? Nagsasabwatan kayo ni Sheen, Xyrah?" galit na tanong ni Kurt habang pinaaandar ang kotse. Sinulyapan ko si Raven, deretso lang siyang nakatingin sa harap ng kotse at blangko ang ekspresyon niya. Pareho talaga sila ni Sheen. Ngayon ko lang napansin.

"Yeah, aaminin ko pero hindi ko alam kung nasaan si Karen ngayon. Hindi ko alam kung anong plano ni Sheen sa kaniya."

"Bakit mo ba 'to ginagawa, Xyrah? Bakit kayo nagsasabwatan? Para kayong mga bata."

With You Forever (Forever Series #1)Where stories live. Discover now