Chapter 35

1.1K 32 0
                                    

Namumugto ang mga mata ko nang pumasok ako sa school araw ng Lunes. Ilang araw din kasi akong umiiyak at nag-aalala para kay papa kung nasaan na siya. Mabuti na lang nahanap na siya ng mga katrabaho niya na nagmamalasakit sa kaniya. Ang hirap lang kasi malayo kami sa kaniya. Imbes na kami ang naroon para alagaan at bantayan siya, nandito lang kami sa Pilipinas at walang magawa.

Hindi ko mapigilang makaramdam ng guilt lalo na't ngayon ang araw kung kailan kukunin ang report card namin. Naroon si papa na nagtatrabaho para sa amin samantalang ako hindi ko inaayos ang pag-aaral ko.

Pumasok na ako sa gate ng South Middleton University. Dederetso na sana ako sa registration office para kunin 'yong grades ko nang matanaw ko si Raven. Muli na naman akong kinunsensya. Hindi ko siya nasipot noong Biyernes dahil nga sa nangyari. At mas lalo akong nakakaramdam ng lungkot dahil pakiramdam ko, maling nakipagrelasyon ako sa kaniya gayong nasa ganito akong sitwasyon.

Nakita niya ako. Hindi ko na naman mapigilang maluha.

"Anong nangyari sa 'yo? Bakit umiiyak ka na naman?" bungad niya sa akin na puno ng pag-aalala. Umiling ako.

Biglang tumunog ang cellphone ko. Tiningnan ko kung sino ang tumatawag. Si Karen.

"Hello?"

"Girl, nasa'n ka na? Pupunta ka bang school para kunin 'yong grades mo?" tanong niya sa akin.

"O-oo, nasa school na 'ko. Kayo?"

"Narito na nakapila. Pumunta ka na lang dito sa registrar para sabay-sabay na tayong kumuha ng grades."

"Sige, papunta na 'ko."

Ibinaba ko na ang tawag at naglakad na papunta sa registrar's office. Teka, nakalimutan ko si Raven. Nilingon ko ang dako sa likod ko. Wala na siya.

"Hed! Dito!"

Nakita ko naman agad sila Maine at Karen na kumakaway sa akin kung kaya't nilapitan ko na sila. Napasinghap sila nang makita ako.

"A-anong nangyari sa 'yo, Hed?" tanong nila sa akin nang makita ang itsura ko.

Umiling ako pero nang yakapin nila ako, hindi ko na naman napigilang lumuha. Para bang wala na akong pakialam sa mga estudyanteng nasa paligid namin na makakita at makarinig sa mga luha ko. Para akong sasabog dahil ikinulong ko lang sa dibdib ko ang mga bagay na inaalala ko.

"Bakit ka umiiyak, Hed?"

"May sakit si papa..."

Bakas sa mga mukha nila ang kalungkutan. Tila ba hinahatian nila ang pighating nadarama ko. Hinahaplos nila ang likod ko habang kinukwento ko sa kanila ang nangyari.

"Salamat naman at nahanap na ang papa mo," sambit ni Karen.

"Kailan daw kayo pupunta sa kaniya?" singit naman ni Maine.

"Pagkatapos nitong taon. Doon na kami titira para maalagaan namin siya," paliwanag ko.

Pinunasan nila ang mga luha ko. "Eh, bakit ka pa umiiyak? Pwede ka naman naming bisitahin doon? Unless, may ayaw kang maiwan dito."

Napakagat ako sa labi ko. Hindi pa ako sumasagot pero mukhang alam na nila ang ibig kong sabihin.

"Iyon ang problema. Bakit kasi hindi ka pa umamin? Sabi na nga ba't may gusto ka sa kaniya."

Napatingin naman ako kay Maine. Tumatango-tango siya bilang pagsang-ayon sa sinabi ni Karen. Parang kailan lang nagtatampo siya dahil nakita niya ang mga litrato namin ni Raven sa dyaryo. Ngayon, katulad ko, tinanggap na rin ang pagkatalo dahil mukhang pareho naming kinain ang mga sinabi namin. Pareho kaming umibig sa taong hindi namin inaasahan.

With You Forever (Forever Series #1)Where stories live. Discover now