Chapter 11

1.2K 52 30
                                    

Nakakatawa dahil pagkagising ko, bumalik na naman ako sa dati—hindi na naman ako makaintindi ng English. Nakakayamot. Akala ko naman magkakaroon na ako ng pag-asang makipagsabayan sa mga kaklase ko dahil maiintindihan ko na sila, hindi pa rin pala. Halos lahat kasi ng subject, English ang medium. Mas malaki pa rin ang porsyentong bumagsak ako kaysa pumasa. Napabuntong-hininga ako.

"Hindi ba tayo bibili ng pagkain?" tanong ko kay Karen nang lagpasan namin ang counter at naglakad papunta sa isang table. Nanigas ang katawan ko nang makita si Raven doon. Pati na rin ang dalawa pang lalaki na mukhang naghihintay sa amin.

Akmang aalis ako nang pigilan ako ni Karen. "I'm sorry about this, but Kurt insisted on meeting the two of you, who are my friends. Also, he wanted to clarify things: Sa pagitan niyo Hed at Raven, pati na rin kayo ni Clark, Maine."

Napabuntong-hininga ako. Isasanla ko ba ang buhay ko para lang dito? Mamalasin na naman ako nito, eh!

Wala na kaming nagawa ni Maine nang makitang binilhan na rin pala nila kami ng mga pagkain. Suhol ba 'to?

Umupo na kami sa harap ng mga lalaki. Sa totoo lang, hindi ko alam kung anong mararamdaman ko. Naalala ko ang pagkikita namin ni Raven kagabi at muli niyang pagtulong sa akin. Hindi ko alam kung bakit patuloy pa rin niya akong tinutulungan sa kabila ng sinabi niyang hindi niya na iyon gagawin.

"Thank you for being here, Heather and Maine. I want to apologize for this because I have requested Karen to make this possible," panimula ng boyfriend ni Karen. Napansin ko ang pagsiko ni Karen sa kaniya.

"Kung mayroon mang hindi pagkakaunawaan sa pagitan ninyo, mas mabuti sanang maayos natin. Masyadong maliit ang mundo para mas lalong sumikip. Gusto kong maging magkakaibigan tayong anim."

"Hindi pinipilit ang pagkakaibigan," sabat ni Maine. "Kung sasabihin niyong patawarin ko ang lalaking 'yan, it is impossible. What he did was harassment."

"I just kissed you," sagot ng lalaki.

"Just kissed me?" Napabuga si Maine. "Ganoong klase ka bang lalaki? Basta-basta nanghahalik? Then you deserve to be called a pervert."

"Bakit? Hindi mo ba nagustuhan?"

"What the fuck?" hindi makapaniwalang tanong ni Maine bago bumaling ang tingin kay Kurt. "See? Paano ko kakaibiganin ang isang 'yan? Napakabastos!"

Sinusubukan namang patigilin ni Kurt 'yong lalaki. "Clark, didn't I told you that we're here to fix this?"

"How can we fix this? It was just a kiss, and she's making it a big deal. I fucked a lot of girls, and none of them complained."

Nagulat ako nang sampalin nang malakas ni Maine si Clark. Maging ang mga tao sa paligid namin ay natigilan nang marinig iyon at kapwa napatingin sa dako kung nasaan kami.

"Then, don't make it a big deal if I slapped you that hard. I slapped a lot of guys, and none of them complained."

Tumayo si Maine at saka umalis. Susundan ko na sana siya nang magsalita si Karen.

"Where are you going, Raven?"

Napatingin ako sa tinutukoy ni Karen.

"She was right. It was impossible for all of us to fix this, so I am leaving now."

"Bakit? Para puntahan mo si Sheen?"

Nakita ko ang pagbabago sa kaniyang mukha pati na rin sa mga mukha ng dalawa pang lalaki.

"What do you mean, Karen?" tanong ni Clark.

"He's with her again. Hed saw them together at the mall."

With You Forever (Forever Series #1)Where stories live. Discover now