Chapter 16

967 45 26
                                    

"Hed, saan ka pupunta?" tanong ni Maine. Papasok na kasi kami sa building namin nang humiwalay ako sa kanila. Kagagaling lang namin sa cafeteria dahil tumambay kami. Wala kasi kaming professor kanina.

"Ha? Iihi lang ako."

Puputok na kasi 'yong pantog ko. Ang rami ko sigurong nainom na tubig kanina.

"Samahan ka na namin."

"Ano ba kayo? Walang mangyayari sa aking masama. Mauna na kayo sa room, susunod na lang ako."

"Sige, tawagan mo 'ko 'pag nakita mo si Xyrah, ha?" paalala pa ni Karen.

"Nahawa na yata kayo sa pagiging o.a. Sige na, ihing-ihi na talaga ako."

"Sige, alerto lang ha?" pahabol pa naman ni Maine.

Pumunta na ako sa comfort room at umihi. Pagkatapos no'n ay lumabas na ako. Matagal-tagal na rin nang huli kong nakita si Raven. Tinotoo niya nga ang usapan namin at iyon ang maganda. Kaya panatag na rin akong walang mangyayari sa aking masama. Hindi na rin siya sumasabay sa amin sa pagkain. Siguro'y palagi niya nang kasama si Sheen.

Papaakyat na sana ako sa room namin nang makita ko si Sheen habang hila-hila si Xyrah. Napakunot ang noo ko. Ngayon ko lang nakitang ganoon si Sheen na para bang hindi mapakali.

Sinundan ko sila. Oo na, hindi ako matatahimik kung hindi ko malalaman ang dahilan ng pag-uusap nila. Sabi nga nila, kapag may nakita kang kakaiba tingnan mo. Teka, kanino ko ba narinig 'yon?

Pumunta sila sa likod ng building namin. Syempre, dahil ako si tanga nagtago ako sa gilid at pinakinggan ang pag-uusap nila.

"What now, Sheen?" tanong ni Xyrah. Ano ba 'yan bakit english? Pwedeng i-translate nila? Paano ako makakasagap ng impormasyon?

"Tungkol kay Jean, good job."

Nagulat ako nang marinig ang pangalan ko. Anong good job?

"I know tama ako ng kinausap. Mabilis ka talagang kumilos."

"Of course, nakakalimutan mo yata kung sino ang kausap mo. I have all the resources in the world. Who can stop me now?" mayabang na litanya ni Xyrah habang humahalakhak.

"That fucking girl deserves that because she's a huge hindrance to my plans. Hindi nga siya girlfriend pero para siyang linta kung lumapit kay Raven."

Ako? Parang linta? Hindi ho ako ang lumalapit sa boyfriend mo! Siya itong sige sa lapit sa akin. Kasalanan ko bang maganda ako? Anyway, bakit ba siya nagseselos? Eh, maganda naman siya at nasa kaniya na ang lahat. Teka, bakit ba iyon ang iniisip ko? Ang punto rito ay pinagplanuhan nila ako!

"Now that I finished what should be done. It's your turn. Tulungan mo akong kunin si Kurt kay Karen katulad ng napagkasunduan natin."

Napanganga ako. Anong ibig sabihin nito? Nag-treaty of paris sila? Bakit may kasunduang nagaganap?

"Sure, leave it to me."

Napasinghap ako habang pinagmamasdan ko sila. Hindi ako makapaniwala lalo na kay Sheen. Bakit kailangan niyang makipagsabwatan kay Xyrah? Ang taas pa naman ng tingin ko sa kaniya.

Kailangan 'tong malaman ni Karen.

Akmang papaalis na ako nang may maapakan akong basag na bote. Shemay!

"Someone's around."

Narinig ko ang mga papalapit na tunog ng takong ng sapatos nila. Lagot. Anong gagawin ko? Para na akong naestatwa. Saan ako pupunta?

Papalapit na si Sheen sa dako kung saan ako nagtatago. Impit ang sigaw ko nang may nagtakip ng bibig ko at tinago ako sa paningin ni Sheen.

"Ano? May tao ba? May nakarinig ba sa pag-uusap natin?"

With You Forever (Forever Series #1)Where stories live. Discover now