Chapter 28

1K 39 3
                                    

Tulala akong naglakad papunta sa room. Ang dami ko nga sigurong nabangga eh dahil tatanga-tanga ako. Napansin kong hindi pala papunta sa room ang tinatahak ko kundi papunta sa library. Oo nga pala, pinapunta ko sila Clark at Kurt dito para pag-usapan ang nalaman ko.

"Jean!" bati nila sa akin. Narito kami sa may bandang dulo upang walang makarinig ng pag-uusap namin.

"Kurt, Clark," pagbati ko rin sa kanila bago ako umupo.

"Anong nalaman mo?" walang paligoy-ligoy na tanong ni Kurt.

Huminga ako nang malalim bago nagsalita. "Hindi ko alam kung may kinalaman 'to sa pag-iimbestiga natin doon sa drugs pero narinig ko si Sheen. Pinaplano niyang gamitin si Raven. Hindi ko alam kung saan. Ang narinig ko pa, gusto niyang gumanti dahil sa mga ginawa ninyo sa kaniya noon."

Seryoso ang mukha nilang dalawa na tila ba nag-iisip. "Ang sabi sa akin ni Karen, wala naman daw kayong ginawa kay Sheen. Hindi niyo naman daw ito pinahiya."

Nagkatinginan silang dalawa.

"Actually, Jean. May iba pa. Marahil 'yon ang dahilan kung bakit gano'n na lang ang galit si Sheen sa amin pati na rin ni Xyrah," sambit ni Clark. Napakunot ang noo ko at nakaramdam ng kaba.

"Magkakaibigan kaming anim: ako, si Clark, si Raven, si Karen, Sheen at Xyrah. Third year highschool kami nang mangyari ang lahat. Isang gabi, nagkayayaan kami na magparty pero sa gitna ng kasiyahan, biglang nagkaroon ng kaguluhan. Kasama ko si Karen sa paglabas dahil siya ang mas malapit sa akin."

"Nagmadali rin akong lumabas dahil ayokong madawit sa gulo," sabat naman ni Clark. "Akala ko nakasunod sa akin si Xyrah at Sheen, hindi pala."

"Naghihintay kami sa labas sa pag-asang baka kasama ni Raven ang dalawa lalo na't girlfriend ni Raven si Sheen pero hindi. Walang lumabas na Raven. Bigla siyang nawala. At doon, doon namin naiwan si Xyrah at Sheen."

Nahirapan akong lumunok. Walang salitang lumalabas sa bibig ko. Mukhang alam ko na kung bakit ganoon na lang ang galit ni Sheen sa kanila at si Xyrah naman kay Karen.

"Simula no'n, nagkalamat na ang pagkakaibigan namin. Humiwalay na rin sa amin si Xyrah at Sheen."

Bumigat ang paghinga ko. Nahihirapan akong iproseso sa utak ko ang mga nalaman ko. Hindi ko mapigilang magduda. Hindi ganoon ang pagkakakilala ko sa kanila. Paano pala kung naroon din ako? Iiwanan din ba nila ako?

"Huwag sanang magbago ang tingin mo sa amin, Jean," sambit ni Clark.

"Lalo na kay Karen. Wala siyang alam tungkol dito. Ang alam niya'y nauna nang umuwi ang dalawa."

Tiningnan ko silang pareho. Kaya pala noong nawala si Karen, hindi siya sinaktan ni Sheen kundi pinainom lamang ng drugs. Kaya pala ganoon na lang din ang pag-uusap ni Clark at Xyrah noong nasa kotse kami dahil dati pala silang magkakaibigan. Naiintindihan ko na.

"Aalamin ko kung anong plano ni Sheen kung bakit patuloy niyang ginagamit si Raven pero may kutob ako," pag-iiba ng usapan ni Kurt. "Malaki ang kompanyang hinahawakan ng mga magulang ni Raven at posibleng ginagamit ni Sheen ang pangalan ng mga ito para makakuha ng koneksyon."

"Ako naman ang kakalap ng impormasyon tungkol kay Xyrah. Baka sa pagsunod ko sa mga galaw niya, malaman ko kung saan niya kinukuha ang mga prohibited drugs."

Biglang tumunog ang phone ni Clark dahilan para mapatingin ang mga estudyante sa amin. Narinig ko pang nanita ang librarian. Sinagot naman iyon agad ni Clark.

"Halika na raw. Mag-uumpisa na ang practice game sabi ni Raven."

Natigilan ko nang marinig ko ang pangalang 'yon.

With You Forever (Forever Series #1)Donde viven las historias. Descúbrelo ahora