Chapter 32

1K 31 0
                                    

“Ang kuya mo?" tanong sa 'kin ni mama nang papalabas na ako sa pintuan ng bahay namin.

"Eh, mama, may sakit siya, eh. Hindi muna raw siya makakapasok," pagsisinungaling ko. Hay kuya, nagkakasala ako sa nanay natin dahil sa 'yo.

"Ano? T-teka, pupuntahan ko nga muna."

Dali-dali kong pinigilan si mama na umakyat sa kwarto ni kuya Jake.

"Okay na po, ma. Inasikaso ko na si kuya. Mamaya niyo na po siya puntahan. Natutulog na po siya," pagsisinungaling ko pa.

Nagpaalam na ako kay mama at naglakad ako papunta sa South Middleton. Medyo late na ako nang nakapasok ako sa school. Papunta na ako sa gymnasium hall para manood ng mga sports nang may humarang sa 'kin.

"Good morning, Ms. Duerre," bati sa 'kin ni Professor Villacrusis. 'Yong professor namin sa Logic. Nakakapagtaka lang na binati niya ako, kasi kadalasan ang mga estudyante ang unang bumabati bago ang guro, 'di ba?

"Ahh, g-good morning po, Professor Villacrusis," bati ko rin habang nagkakamot ng ulo. "Sige po. Mauna na po ako sa loob."

"Just a minute, Ms. Duerre. Follow me."

Nagtaka ako sa sinabi ni prof. "P-po?"

Wala naman akong nagawa kung hindi ang sumunod sa kaniya. Pumunta kami sa sulok ng gymnasium hall. Kinakabahan tuloy ako. May nagawa ba akong mali. Huwag niyong sabihing bagsak din ako sa subject niya?

"A-ano pong ginagawa natin dito, Prof.?" tanong ko.

"You see, ang goal ng department natin for this year ay makakuha ng gold medals at tayo ang mag-overall champion. For the past few years, hindi pa tayo nagiging overall champion sa Sports fest dahil nga mga mahiyain ang mga estudyante sa department natin kahit na may tinatago silang galing," panimula ni Professor Castillo sa 'kin. Napaisip ako kung saan papunta ang pag-uusap naming ito. Tsaka anong mahiyain? KJ kamo!

"Ano pong ibig niyong sabihin, Prof.? Bakit niyo po sinasabi sa 'kin ang mga bagay na 'yan?"

"Honestly, nag-research ako sa mga estudyante sa buong department natin and I found out na ang ilan sa inyo ay may mga background na sa different sports. And isa ka ro'n. Nakausap ko sila at pumayag sila, ikaw na lang ang ilalaban natin..."

Napasinghap ako sa narinig ko. Nag-research siya tungkol sa akin? Alam niya na ang tungkol sa akin?

"Please Ms. Duerre, sumali ka sa Taekwondo competition alang-alang sa department natin."

Napayuko ako sa sinabi niya. Masakit makitang nakikiusap ang isang guro sa isang estudyante pero tinalikuran ko na ang sports na 'yon. Ayoko na ng sports na 'yon.

"Sorry po, Professor pero ayoko pong sumali."

"Please Ms. Duerre. 'Yong mga kasali kasi na panlaban natin ngayon sa Taekwondo ay 'yong mga nag-train lang last week. Hindi pa sila masyadong magaling. Delikado sila."

Bakit sila sumali kung alam nilang hindi pa sila magaling?

"Pero Professor Villacrusis, hindi naman po sapilitan 'di ba? Kung ayaw pong sumali ng isang estudyante, hindi niyo naman po sila pipilitin 'di ba? Paano po 'pag may nangyari sa 'king masama? Hindi po ako nakapag-training. Hindi rin po ako magaling."

Ngumisi siya. "I am really desperate, Ms. Duerre. I'll take responsibility for what will happen to you. But as I've told you, I did my research. I know what you can do. I trust you. You're undefeated, right?"

Napaiwas ako ng tingin. May namumuong luha sa mga mata ko. Kahit ano pang tago ko, nalaman pa rin niya. Siguro, alam niya na rin ang dahilan kung bakit ako tumigil sa sports na 'yon, isang taon na ang nakalipas.

With You Forever (Forever Series #1)Where stories live. Discover now