Chapter 12

1.1K 52 30
                                    

Napanganga ako nang mabasa ko sa bulletin board ang isang announcement. Bakit? Bakit kailangang mangyari ito?

THREE DAYS OF COMMUNITY SERVICE

Raven Kim Del Valle

Heather Jean Duerre

Starting from June 14-16

MUST CLEAN ALL THE CLASSROOMS OF THEIR DEPARTMENTS.

Disobeying may cause suspension.

"All classrooms? Ibig sabihin lahat ng classroom ng HRM Department?" tanong ko kay Raven. Kasalukuyan kaming nasa harap ng Guidance office at pinagmamasdan ang bagong paskil na papel. Napabuntong-hininga ako. Sumasakit na agad ang likod ko, nababasa ko palang na kailangang maglinis. Kwarto ko nga 'di ko maayos, eto pa kaya.

"Mas maraming classroom ang Engineering Department kaya 'wag kang magreklamo. Kaunti lang 'yong lilinisin mo, marami 'yong akin," paliwanag niya. At ano namang ikinaganda no'n? Akala niya ba mapapawi no'n ang sama ng loob ko?

"Bakit kasi hindi mo na lang sinabi ang totoo? Bakit mo ba ako laging pinarurusahan?"

Napasapo ako sa mukha ko. Imbes na magsusulat ako, eto pa ang aasikasuhin ko.

"Ikaw, eh. Malakas ang trip mo. Ayan, ang napala mo."

Inirapan ko siya.

"Bwisit ka talaga sa buhay! Ano nang gagawin natin? Ngayong araw ang simula." Naman kasi!

"Kapag nakauwi na ang lahat ng mga estudyante tsaka tayo maglilinis. Pumasok ka muna sa klase mo ngayon."

Sinamaan ko siya nang tingin. Nakakapanlumo naman kasi na lilinisin ko 'yong lahat ng classrooms sa department namin. Ang dami pa naman tapos mag-isa lang ako? Kung uwian namin ng alas singko, naku po, baka abuti na ako ng dis oras ng gabi. Sabi-sabi pa naman nila na may nagkalat daw na multo rito kasi dati raw itong sementeryo. Grabe, naiisip ko pa lang, kinikilabutan na ako.

Nagulat ako nang biglang tumunog ang cellphone ko. Tiningnan ko kung sino ang tumatawag. Si Karen.

"Hello, Karen?" bati ko.

"Jean? Nasaan ka na ba? Bakit ang tagal mo? Natapos na ang klase ni Professor Riviera pero wala ka pa!"

Nailayo ko kaagad 'yong cellphone ko sa tainga ko nang marinig ko ang boses ni Maine. Oo si Maine ang nagsalita.

"May nangyari kasi, eh."

"Anong nangyari? Ipaliwanag mo!"

Nakita ko namang aalis na si Raven.

"See you later," wika niya bago umalis. Tumango lang ako.

"Jean? Sinong kausap mo? Sinong kasama mo?"

"Ha? Si Raven pero umalis na siya."

"Si Raven? Bakit kasama mo siya? At anong see you later?"

"Mahabang kwento. Ipapaliwanag ko na lang pagdating ko d'yan. Pabalik na ako," paalam ko bago ko ibinaba ang tawag. Pero dahil bigla ring dumating ang susunod na magtuturo kaya hindi ko sa kanila nasabi ang tungkol sa kung bakit gagabihin ako ngayong araw.

Napabuntong-hininga ako habang pinagmamasdan ang isa-isang pag-alis ng mga kaklase ko. Nagmamadali na ring umuwi sina Maine at Karen kung kaya't hindi ko na rin naikwento sa kanila ang lahat.

Labag man sa loob ko ay kinuha ko na ang walis tambo at nag-umpisa nang maglinis. Nagbura na rin ako ng mga sulat sa white board. May mga hindi nga mabura kasi mukhang ginamitan nila ng permanent marker. Medyo malinis na rin naman ang mga kwarto gawa may mabubuting section na hindi iniiwang marumi ang kanilang silid kaya hindi rin naging ganoong kabigat ang trabaho.

With You Forever (Forever Series #1)Where stories live. Discover now