Chapter 49

1K 27 1
                                    

First day of snow. Narito ako sa may garden at sinasalubong ang pagbagsak ng nyebe. Ito ang unang beses kong naka-experience ng snow. Nakakakilig pala. Parang napupunan ng kaligayahan ang puso ko. How I wish I am watching this with someone I love.

"Jean..."

Napalingon ako sa tumawag sa pangalan ko. Narito na pala siya sa bahay.

Lumapit siya sa akin na may dalang bulaklak. Tinanggap ko iyon.

"Salamat, Lorenz," sambit ko at muling ibinaling ang atensyon sa kalangitan. "Ang ganda, 'no?" tanong ko.

"Oo, maganda."

Ngumiti ako at tiningnan siya. Nakatingin siya sa akin. "Magandang pagmasdan," dagdag pa niya.

"Kumusta ka rito?"

"Ayos naman. Nag-a-adjust pa rin sa klima pero unti-unti nang nasasanay. Ikaw? Kumusta?"

Alam ko kasi, galing siyang States. Doon kasi sila nakatira ni ate Allen at pumasyal lang sila rito para bisitahin kami lalo na si papa dahil lumalala na ang kalagayan niya. Nakikita na namin ang pagiging makakalimutin niya. Siguro, kapag nakalimutan niya ako, doon na mawawasak nang tuluyan ang mundo ko; na dinadalangin kong huwag mangyari. Pero wala raw gamot doon kaya mas nagkakaroon ako ng dahilan na huwag nang umalis sa lugar na ito. Baka sa oras na umalis ako, tuluyan na akong makalimutan ng sarili kong ama.

"I'm good. Everything's perfect, I can say. Peaceful and calm."

Ngumiti ako. "But roars are inside..." komento ko.

"Yeah. Roars are inside, Jean. When something that should be said is never said and something that should be done is never done, it will build up chaos inside. And the longing will be forever long."

Tila ba hindi lang siya ang natamaan do'n kung hindi pati ako. There's a void inside me that will never be filled, even though I get to meet a lot of guys here in Korea. Kahit na nagkakandarapa ako sa mga koryano dati. Ngayon, wala na silang epekto sa akin. Isang tao na lang ang gusto ko.

"Jean..."

Sa bawat pagtawag niya sa akin ng pangalan ko, ibang tao ang pumapasok sa isip ko. Naaalala ko kung paano niya ako tawagin noon.

"If you need someone to hold on to this place, you can hold on to me. I can stay here for you."

Bumaling ang tingin ko kay Lorenz. How can this heart of mine change in a glimpse of time? I thought I was in love with him. He was the reason I was so afraid to love and why I hate it because he left me. But someone changed my perspective in the most unpleasant way, and up until now, he's the only one I'm thinking of.

"I have someone else," sagot ko sa kaniya.

"But he's not here, Jean."

He's here...in my heart. Raven is here, scarred deep in my soul. He's all that I wanted.

Sa mga lumipas na buwan, siya pa rin ang nasa puso ko kahit na hindi kami nagkikita o nagkakausap. Siya ang una kong naiisip sa tuwing gigising ako sa umaga. Siya rin ang huli kong naaalala kapag sumasapit ang gabi. He's the only one who can fill this void that's eating me whole.

"I'm sorry," sambit ko. "Mas masasaktan kita kung tatanggapin kita, Lorenz."

"I don't care. Mas nasasaktan ako kapag nakikita kang nagkakaganiyan."

Iniharap niya ako sa kaniya. "I can wait forever, Jean. Just how much I've waited for a chance to finally confess, even though I've had feelings for you ever since the day I laid eyes on you. I can still wait for more." Hinawakan niya ang kamay ko. "If you'll just give me a chance, I will take care of you."

With You Forever (Forever Series #1)Where stories live. Discover now