Chapter Three

10.3K 340 44
                                    

Georgia's POV.

Aish ang talagal naman mag sumbong ni Kazumi. Unahin ko na lang kaya siya? Pareho lang naman kami ni Kazumi na ayaw sa Cleopatra'ng 'yon. Masama kasi ang ugali 'kala mo kung sino. Gusto niyo malaman kung anong nangyari? Mag bibigay lang ako ng isang pangyayari ah. Na nangyari nga sa amin. Isa lang kasi baka mapahaba pa. Okay okay eto na.

Nag lalakad ako ngayon sa gate papasok ng school. 2nd year highschool na nga pala ako. At dahil malelate na ako mabilis akong tumakbo baka sakaling maunahan ko pa ang bell. 'Di pa naman nag riring ang bell eh. Kaya ko 'to. Nang biglang...

*BOOOGSHHH*

"ARAY!"

"OUCH!"

Sabay naming sabi noong babaeng nakabangga ko.

Halalalala. Baka mas matagalan pa ako dito.

"Watch where you're going," inis na sabi niya nang makatayo na kami pareho.

"Sorry sorry. Sige una na ako." Paalis na sana ako nang bigla nyang hinila ang buhok ko.

"Where do you think you're going?" Pagtataray niya. 'Di naman kagandahan. Aiishh oo na maganda siya. Pero mas maganda parin si Idol. Idol ko si Kazumi. Hehe.

"Ahm.. Papasok na. Late na tayo oh. Baka pagalitan tayo." Pag-pipilosopong sabi ko.

"I don't care if we're late." Pataray na sabi niya.

"Papagalitan nga tayo eh!" Pagmamaktol ko.

"It doesn't matter. First day naman ngayon eh." Aniya sabay hair flip. May nalalaman pa siyang ganon ah? As if naman bagay sa kanya.

"So?" Pagtataray ko rin sakanya. Anong akala niya ah. 'Di siya ang reyna 'no.

"Owws? Lumalaban ka na pala Gia? Tsk."

Nagtaka naman ako, habang kumunot ang noo ko. Ba't niya ako kilala?

"Bakit mo ako kilala ah? Stalker ba kita ah?"

"What the hell? Ako stalker? Mo? No! I'm not. Kilala kita because mag classmate tayo dati haler??" Ayyst oo nga naman mag kaklase pala kami dati nung freshmen pa lang kami.

"Bitiwan mo na ako!" Pasigaw 'kong sabi. Nakasabunot pa rin kasi siya sa akin eh.

"Not until you agree to be my slave for one week." Grabe 'tong babaeng 'to ah. Sa ganda kong to? Magiging slave niya ako? Sa kanya pa?

"At paano pag 'di ako papayag?" Naka-smirk 'kong sabi.

"Simple lang naman..."

"Ano?!"

"Atat? Psh. 'Di ka naman kagandahan." Ako? 'Di kagandahan?

"Grabe pag ako 'di kagandahan ikaw ano ka na lang?!"

"Pikon much?"

"Tss." Yan na lang ang nasabi ko.

"Okay dahil panira ka sa sasabihin ko sana kanina. Simple lang kung di ka papayag. Ipapakick out kita dito sa school na 'to." Nakangising sabi niya.

"Paano mo naman magagawa yon?"

"Malamang acting. Dad ko kaya ang may-ari ng school na 'to."

"Oo na sige na! Blackmailer!"

"Buti naman at pumayag ka na." At ayun, binitawan niya na ako at sabay kaming pumasok.

The Perfect GirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon