Chapter Twenty Two

2K 158 2
                                    

Kazumi's POV.

*creeeek* (sound effect po yan ng inoopen ang door. Haha sorry po. Gaya ng sabi ko. Di po ako expert said mga sound effects sound effects na yan.)

Narinig kong bumukas ang pintuan ng dance studio. Nag prapractice na kami nang biglang may pumasok. Pagkatingin ko si Inigo lang pala. Pero wait. Bakit puro pasa ang mukha niya? Ano kayang nangyari sakanya? Malapitan nga.

"Anong nangyari sayo?" Tanong ko sakanya. Tinanong din yan ng iba sakanya. Isa lang naman ang sabi niya. "Wala lang."

"Weh? Eh puro pasa ka na nga lang dyan eh tapos ang isasagot mo wala lang? Ulul na lang ang maniniwala sayo eh." Sabi naman ni Zoe. Bakit to ganito? Parang.... Hmm.... Parang nag aalala si Zoe kay Inigo?

"Oo. Hehe. Malayo naman to sa bituka Kiray eh." Natatawang sabi ni Inigo. Pero wait, Kiray?

"Hoy! Lalaki ka! Di na tayo bata noh! Gaein ko yang Kiray yang mukha mo eh. Patay ka saakin! Kung di ka lang nabugbog kanina pa kita nasumbat dyan pero dahil ganyan nga ang lagay mo ngayon eto muna!"

Tapos ayun binatukan naman ni Zoe si Inigo. Kaya ayun "ARAY!!" Sigaw ni Inigo. Natamaan siguro dun sa pasa niya eh.

"Tandaan mo Nico ah! Wag na wag kang makikipag away lalong lalo na pag ang dahilan ay babae! Nako malalagot talaga yang sakin si Emily kahit na tea-- asdfghjkl." Nako. Alam niyo kung anong nangyari? Tinakpan ni Inigo si Zoe ng... TAPE?! Oo tape. Pero saan niya naman daw yun nakuha?! Pero wait. May nabanggit si Zoe na Emily? Makipag away dahil sa babae? Tapos tea?? As in teacher ba? Nako. May alam din ba tong si Zoe? Mukha namang close sila eh.

Tapos ayun nag pumiglas si Zoe kaya natanggal niya yung tape sa bunganga niya.

"Ano ka ba?! Loko ka Nico ah! Kung di lang kita..." Bigla siyang napatigil sa sinasabi niya. Ano kaya yun?

"Eh sa ang ingay ingay mong babae ka eh! Manahimik ka na lang pwede?" Naiinis na sabi ni Inigo. Hahahaha. Ngayon ko lang na realize. Bagay pala tong dalawang to.

"Heh! Di siya worth it noh! May ibang babae pa naman dyan eh! Bakit sya pa? Ha bakit?!" Mangiyak iyak na sabi ni Zoe. Sa tingin ko may gusto to kay Inigo eh. Paano ko nalaman? Malang babae rin po ako eh.

"Sino naman ang worth it saakin, ha?! Sya lang naman ang nag mamahal saakin eh." Haynako. Bulag ka Inigo. Nandito na nga sa harap mo... Pshhh. MANHID!

"May ibang nag mamahal sayo! Di mo lang makita dahil manhid ka! Manhid ka! Manhid ka!" Tapos ayun pinapalo pala naman ni Zoe yung dibdib ni Inigo.

"Huy! Ano ba! Ma-masakit ah! Tama na! Bat mo ba ako pinapalo?!" Sabi niya sabay hawak ng mga braso ni Zoe.

"Kasi manhid ka! Manhid!" Tapos ayun lumabas naman si Zoe sa pinto. Nag walk na eh.

"Anyare dun?" Tanong niya. Kaya sinagot ko naman siya. "Manhid ka kasi." Sabay kabit balikat.

"Manhid!" Sabi naman ni Angelo, sabay tapik ng balikad niya.

Tapos bigla namang bumukas ang pintuan at pumasok su Zoe na may dala dalang..... First Aid Kit?! Ay wait. Oa ko noh. Pero kasi paano niya naman na hanap kung saan ang first aid kit?

"A-ano yan?" Tanong ni Inigo kay Zoe habang nilalagyan ni Zoe ng betadine ang cotton pati kumuha ng ice. At eto namang si Inigo, mukhang takot na takot. Hahaha. Para syang batang ginagamot ng nanay.

The Perfect GirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon