Chapter Twelve

2.7K 195 6
                                    

Kazumi's POV.

*yaaaaaaaawn*

Homaygashh. It's Monday again. At excited na ako ngayon! Alam nyo kung bakit? Malamang hindi. Kaya nga sasabihin ko na dibe? Hahaha.

Sabay kasi kami papasok ngayon sa school ni Zami. First time 'to ah. Di kasi pumapayag si Mommy na sabay kaming pumasok dahil nga sa baka daw makasira si Zami ng profile ko raw. As if naman may pake ako dun. Tsk. At hello, di ko kinakahiya si Zami noh. Okay stop the chit chat. I'ma goin' to do my rituals na.

*

Papasok na kami ngayon sa school. At kasama ko nga si Zami. Yung mga tao naman sa tabi ay ang weird ng tingin. Di siguro nakikilala si Zami.

"Woahh! Kamukha niya si Kazumi."

"New student?"

"Kakambal niya?"

"Woww! Maganda rin siya."

At marami pang ibang bulong-bulungan. Na-sense ko yung pagkailang ni Zami kaya siniko ko siya. Tumingin naman siya saakin parang nag sasabi ng 'ano?', kaya nag salita naman ako.

"Pabayaan mo na masasanay ka rin sa mga bulong-bulongan." Pabulong na sabi ko sakanya.

"Okay." Tapos ayun pumasok na kami sa classroom namin. At di ko pa pala nasabi na tumawag kami kay Mommy nung Saturday ng gabi at sinabing imove si Kazami sa classroom namin para mag kaklase na kami at sinabi na rin namin na namake-over siya kaya pumayag na rin si Mommy.

*

"Good Morning, class." Sabi ni Miss Emily nang makapasok siya.

"Good Morning, Miss Emily." Pag babati rin namin.

"Okay, you may take your sit." Sabi niya. And we all sat down.

"Okay, class you have a new classmate. She's from the other section and moved here." Then she paused for a while, "Okay miss Coldsmith please introduce your self." pag papatuloy niya. At si Zami naman ay tumayo at pumunta sa harap at nag simula ng mag salita.

"I'm Kazami Coldsmith. Twin sister of Kazumi." Yan lang ang sinabi niya at umupo na sa harap ko. Occupied na kasi yung upuan sa right side ko at sa left naman ay window. Nasa dead end na kasi ako.

*Kringggg kringggggg*

Sawakas lunch na. Lumapit na saakin si Georgi at Zami.

"Bilisan mo nang ayusin yang gamit mo Yumi." Sabi ni Zami.

"Oo nga para makababa na tayo sa caf. at makakain na tayo." Sabi naman ni Georgi.

"Gutom na kamiiii." Pag mamaktol ni Zami.

"Anong akala niyo kayo lang ang gutom? Ako rin kayaaa." Sabi ko rin.

"Edi bilisan mo na!"

"Oo naaaaaaaa. Tapos naaaaa." At bumaba na kami papuntang cafeteria.

"Anong gusto niyo?" Tanong ko.

"Waffle lang ako." Sabi ni Zami.

"Ako rin." Sabi rin ni Georgi.

"Okay."

"Wait." Sabi ni Zami.

"Yes?"

"Eto pera oh." Inabot niya sakin ang pera.

"Na-ah. My treat."

"You sure?"

"Yup." Tapos umalis na ako at bumili ng tatlong waffle. At bumalik na sa table namin.

The Perfect GirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon