Chapter Twenty Eight

1.6K 147 7
                                    

Kazumi's POV.

"Hoy! Bakit ka nakangiti dyan?!" Sabi saakin ni Gia.

"Wala lang." Sabi ko naman ng nakangiti parin.

Nga pala recess ngayon kaya pwedeng mag ingay. Nasa classroom lang kami. Di pa nila alam yung nangyari kanina. Kasi di naman nila nakita yung flower tsaka chocolates. Kasi yung flower nasa locker ko tapos yung chocolates naman nilagay ko sa loob ng bag ko.

At nga pala. Yung locker namin ay nasa loob lang ng class room. Taray noh? Sa likod ng room namin ay ang locker so di na namin kailangan pumuntang locker room for girls.

Dun naman sa locker room for girls. Dun ay may shower tapos yung laman naman ng locker mo dun is extra shirts, pants, undies. Not to mention bra's.

"Hoy! Ano na!?" Biglang sigaw ni Gia. Kaya nagulat naman ako.

"Ay shit ka!"

"Huh?! Anong sabi mo?!"

"Wala."

"Anong wala?! Ako mukhang tae?"

"Haha hindi nagulat lang ako."

"Ahh. Sige. So bakit ka nga nakangiti?!" Nakangisi nyang tanong.

"Ahhm." Isip isip isip Kazumi. Ahah!

"Gusto nyo ng chocolates? May dala ako!" Sabi ko na lang para maka iwas sa tanong.

"No!/Yes!" Sabay na sabi ni Gia at Zami.

"Ano ka ba Zami! Pinapadistract niya lang tayo oh!"

"Ay hehe. Oo nga." Sabi ni Zami kay Gia tapos tumingin siya sakin. "Ayaw ko pala ng chocolate Kazumi. Marami pa naman sa bahay eh. Hehehe." Waahhh. Under na pala si Ate kay Gia? Pero hoy kayo! Di sila talo ah! Di sila mag syota. (syota talaga?)  Hehehe.

"Yan ganyan. Buti yan." Sabi ni Gia kay Ate. "So bakit ka nga nakangiti dyan?" Tanong nya nanaman.

Well... Wala naman sigurong masama na sabihin ko sakanila, diba?

"Uhm...."

"Ano na?!"

"Atat ka rin masyado Gia, noh? Di pwedeng mag hintay?"

"Ayy, hehe sorry ge tuloy mo na."

Tumayo ako at dumeretso sa locker ko.

"Aba! Bakit mo kami tinalikuran ah?!" Sabi naman ni Gia. PMS siguro 'to ngayon haha. Ang taray taray eh. Tumingin naman ako sakanya at sinamaan siya ng tingin.

"PMS ka gurl?" Tanong naman ni Zami sakanya. Nice one hahah.

"Uh.. Hehe. Oo eh." Narinig ko namang sagot sakanya ni Gia.

"Eh kaya ka pala masungit eh." Sabi ko habang papalapit sakanila. Nasa likod ko yung black roses kaya di nila makita.

"Ano yan sa likod mo?" Tanong nilang dalawa nang makalapit na ako sakanila.

"Eto ba?" Sabi ko sabay pakita ng black roses.

"Sinong nag bigay niyang black roses na yan? Si Lucas ba? Kaya panay ngiti ka dyan kanina pa?" Sabi ni Gia.

"Kyaaah! Diba favorite rose mo is black? Yieee kinikilig siya." Zami teased.

"Heh! Di si Lucas ang nag bigay neto!" Sabi ko sakanila. Eh sa totoo naman eh.

"Weh?"

"Oo nga eh."

"Eh. Sino naman?"

"Si Darren." Sabi ko naman sakanila. Tapos parang nag karoon ng isang malaking question mark sa mga noo nila. Tapos nang tiningnan ko si Ate parang nag iisip siya.

"AH!" Sigaw bigla ni Ate.

"Ano yun?" Sabay na sabi namin ni Gia.

"You mean si Darren yung guy na kinausap ka kanina?!"

"Wow! Tumpak! Nahulaan mo."

"Eh. Ano pala ang pinag usapan niyo kanina?"

"Uh. Yun ba? Uhm, wala lang naman. Kinausap niya ako tapos tinanong niya kung pwede ba daw manligaw ta-" Di pa ako tapos magkwento nang biglang sumabat si Gia.

"HUH!? Di pwede yun! Anong sagot mo?!" Sabi niya kaya sinamaan ko naman siya ng tingin. 

"Ayy hehe. Sorry, sige tuloy mo na." She awkwardly said.

"Thank you. Tapos ayun nga. Tinanong niya ako kung pwede ba daw man ligaw ta-" Di nanaman ako pinatapos nang may sumabat nanaman. 

"Sabihin mong di ka pumayag! Kundi lagot ka saakin!" Sabi nanaman ni Gia. Kaya sinamaan ko nanaman siya ng tingin sabay sabing, "Sige isa pa. Di na ako mag kwekwento." Kaya ayun nag peace sign naman siya.

"Okay. As I was saying, before I was rudely interrupted." Sabay tingin kay Gia. "I rejected him then I really felt sorry for him kaya sabi niya, iaccept ko na lang daw yung roses and chocolates tapos ayun lumakad na ako palayo sakanya." I said, and luckily di na sumabat si Gia.

"Ahh so yun ang nangyari." Tumatango tango na sabi ni Zami at tumano na lang ako.

"Pero wait!" Sabi naman ni Gia kaya napatingin ako sakanya.

"Ano?"

"Eh bakit ka nakangiti?"

"Eh kasi nakakuha ako ng black roses eh. Kaya masaya ako."

"Ahhh."

Tapos ayun nag kwentuhan naman kami tungkol sa ibang mga bagay. Ng....

"B-black roses?" Sabi ni...LUCAS?! Kailan pa sya napunta dito? Nakatingin siya sa roses na hawak ko. Mukhang gulat na gulat pa nga siya eh.

"B-bakit?" Tanong ko. Ngayon ko lang naalala. Black rose nga pala ang code name ko dati sa gangster world. Yan din ang gamit kong pangalan sa mga underground battles. Pero ni isa wala pang nakakakilala na ako at si black rose ay iisa. Except sa mga ex-gang mate ko. Nakamaskara kasi ako at gumagamit din ako ng voice changer tuwing sasabak ako sa mga underground battles.

"Ahh. Wala." Tinignan ko siya ng maigi. Parang may bumabagabag sakanya eh. Di ako na niniwala na wala lang iyon.

"Sige na ano? Di kita titigilan sige ka."

"Okay lang. Ikaw din naman ang mapapagod eh." Sinamaan ko siya ng tingin. Yung para bang ikakamatay mo 'to pag nakipag titigan ka sakin. Yan ang gamit kong mga tingiin tuwing sasabak ako sa labanan. "Geez. Nakakakilabot naman yang tingin mo babe. May naalala ako sa mga tingin na yan." Tell me mali ang iniisip ko.

"So ano nga?"

"May naaalala lang akong black rose ang pangalan." Sabi niya. It can't be.

"Paa-" Di ko pa natatapos ang sasabihin ko dahil....

*riiiiiing riiiiiiiiiiiiing*

Ayyst time na. Kaya umupo na lang kami sa mga upuan namin nang di umiimik.

©black_dollette📝

The Perfect GirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon