Chapter Eight

4.3K 242 10
                                    

Kazumi's POV.

"Eto na eto na di makapag--"

"Hello!" Nakangiting sabi nya. Natulala ba ako sa harapan niya? Geez.

"Oh.. Ahm. Hi?" Unsure na sabi ko. Hehe kahiya naman. Nakita ko siyang natawa so mas nahiya ako. Siguro nag blublush na ako dahil sa kahihiyan. Huhu. Tapos tumingin na lang ako sa baba. Pero nakita niya siguro ang pamumula ng mukha ko so mas natawa siya at ako naman mas na mula pa.

"Hindi mo ba ako papapasukin?" Sabi niya naman.

"Ayy hehe sorry. Sige pasok ka." Sabi ko.

"Thanks." Pumasok na siya sa bahay namin.

"Maupo ka." Sabi ko tapos umupo naman siya, "Anong gusto mong inumin?" Pag tatanong ko.

"Wag na Kaz. Sa totoo niyan may itatanong lang ako sayo kaya ako pumunta rito." Seryosong sabi niya.

"Ahh ganun ba? So anong sasabihin mo, Lucas?" Tanong ko.

"Wait lang. Pwede wag muna straight to the point? Hehe kinakabahan kasi ako eh." Sabi niya. Nawierduhan ako sa sinabi niya pero pinabayaan ko na lang instead ay sumagot ng lang ako ng, "Okay okay." Ng natatawa.

"Grabe Kaz, isanng araw pa lang tayo di nag kita tapos madadatnan kita dito ng nag tatagalog? Haha parang nung last time lang natin di nag kita ay panay english ka pa nun. First time 'to ah. Buti naman at 'di na 'ko mano-nosebleed tuwing kasama kita atleast sa school di na talaga. Pero sa bahay ay ayun may englisera rin, grabe san kaya yun nag mana ang kapatid kong iyon hahaha." Mahabang sabi niya. First time rin 'to ah. Hahaha. Ang haba nun ah. Buti di siya hiningal kaso parang natetense siya eh. Papagaanin ko na lang ang loob ni Luke. Yep tama kayo sa nabasa niyo. Luke tawag ko sakanya. Ang haba kasi ng Lucas para saakin eh hahaha. Pwede rin palang Cas ang tawagin ko sakanya. Kaz kasi tawag niya saakin. Ayssst ang haba ng mga sinasabi ko. (-.-)

"Grabe ka naman, Luke. Eh sa nag tagalog lang eh. Bawal ba? Haha. Si ate kasi eh. May deal kasi kami sa isa't isa so yeah." Mahabang pahayag ko sakanya. Nguumiti lang siya saakin.

"At saka di ka naman nano-nosebleed eh. Parang di ka rin talaga matalino haha. Nag papagap ka nga lang din naman na nano-nosebleed ka pero ang totoo niyan ay hindi. Hahaha di mo 'ko maloloko tsong. Hahaha." I teased.

"Haha 'to naman. Parang nag bibiro lang naman eh." Sabi niya.

"Nahh. Admit the fact that you're not used of using the language of USA." I teased again. Hahaha. Umiba nanaman ang itsura niya. Parang napa-poker face. Hahaha. OMG ang dami 'kong tawa ngayon ah.

"Ikaw naman. Please lang tigilan mo na nga 'yang pag-e-english mo diyan."

"Okay okay, I will, okay? But let's make a deal, okay?" Sabi ko. Hahaha. Mukhang masaya 'to ah. Ang tali-talino ko talaga. Hahaha.

"U-uhm. S-sige. A-ano naman bang deal yan ha, Kaz?" Parang natatakot pa siya nung sinabi niya yan. Haha.

"Nothing, just..." May pa-thrill-trill pa 'kong nalalaman ah. Haha.

"Just??" Atat na tanong niya.

"Atat ka masyado noh? Haha. Just of now, can you speak in English while I do too. Then for the next days. I will speak in Tagalog to you na." I said, happily.

"Okay."

"So deal or deal?"

"May option pa ba 'yun? Parang wala naman na ah." Natatawang sabi nya.

"Kasi I won't receive a no deal for an answer."

"Okay. Deal."

"Deal!" Sabi ko.

The Perfect GirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon