Chapter Thirty Seven

1.3K 106 10
                                    

Kazumi's POV.

"Kazumi! Basketball tayo!" Pag yaya sakin ni Cleo. Ehh, hinahamon pa ako! Eh magaling ako sa sports eh.

"Geh ba. Pero pustahan muna." Sabi ko sakanya. Tapos humarap ako sa lahat.

Di ko pa ba nasasabi sainyo na ang laki laki ng game room ni Lucas? Lahat na siguro ng laro, nandito na.

"Guys! Pustahan tayo!" Sigaw ko na nag patigil sa lahat at tinuon ang kanilang mga atensyon saakin. "Ano yun?!" Sigaw na tanong ni Ella. Aba umingay ang isang to ah.

"Pag ako nanalo sa basketball, truth or dare tayo! Pag si Cleo naman... hmm... siya bahala." Sabi ko at tumingin ky Cleo, na parang nag sasabing "Oh, anong ipupusta mo?" Ganyan.

"Uh... pag ako nanalo, lalaban si Kazumi at Lucas at pag nanalo si Kazumi, matutuloy ang pag trutruth or dare at pag si Lucas naman ang nanalo, gagawin natin ang lahat ng gusto niya. Oh ano game ba kayo?!" Mahabang pahayag ni Cleo saamin. At lahat naman ay game kaya nag sumila na kami.

"In three, two, one, GOOO!" Sigaw ni Kian. Oh? Siya ang referee? At gaya ng sabi niya, nag simula na kami.

Ako ang lamang ng 10 points ng biglang, "Ahhhh!" Tapos ayun. Natumba ako.

Bakit? Kasi tinulak ako ni Lucas. Si Cleo naman, tuloy parin sa laban.

"Ano?! Gusto mong tayong mag laban?!" Inis na sabi ko kay Lucas.

"Eh. Babe naman." Sabi niya. Pshh.

"Yeey!" Sigaw ni Cleo. And guess what? Siya nanalo. Kainis naman tong si Lucas eh.

"Psh. Babe your face. Oh ano? Laban na tayo." Sabi ko sabay ngisi.

"Oh game."

At nag simula na kaming mag laro.

56-48

69-58

74-61

Until.....

"YESSSS! TRUTH OR DARE NA!" Excited na sigaw ko.

Yep. Ako ang nanalo. Wahahaha.

"Sige na, ikaw na ang magaling sa lahat." Sabi ni Lucas.

"Haha, di naman." Sabi ko sakanya habang bumubuo kami ng circle. Eh ano ba? Paano kami mag trutruth or dare pag square diba? Ahehehehe kayo naman, biro lang.

"Pa humble ka pa babe." Sabi niya sabay kiss saakin.

Langya to ah.

"Hoy! Mag nanakaw!" Sigaw ko sakanya.

"Anong mag nanakaw? Ikaw nga tong mag nanakaw eh."

"Huh?"

"Ninakaw mo kasi ang puso ko eh!" Boom! Basag!

"Ang mais mo Lucas!" Sigaw ni Coleen habang tumatawa.

"Lover boy!" Sigaw naman ni Kian. Pansin ko lang, ang tahimik ni Kyle ah?.

"Eh sa nag mamahal to eh." Sabi naman ni Lucas, sabay palo sa dibdib niya. Abnormal talaga.

"Heh! Manahimik ka! Start na tayo guys!" Sabi ko at sinimula ng iikot ni Cleo ang bottle, at tumapat to kay.......

©ʙʟᴀᴄᴋ_ᴅᴏʟʟᴇᴛᴛᴇ📝

The Perfect GirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon