Chapter Fourteen

2.8K 187 19
                                    

Kazumi's POV.

"Pwede bang manligaw?" Seryoso niyang sabi. Pfft.

As in seryosong seryoso.

Pffft. Di ko na mapigilan.

"HAHAHAHAHA." Di ko na napigilan ang tawa ko. Ahehehe sorry lang. Pero pagka tingin ko sakanya seryoso parin siya kaya tumawa ulit ako. "Hahaha."

"Bakit ka tumatawa?" Takang tanong ni Lucas saakin.

"Wala lang naman, hahaha. Grabe namang joke yun. Hahaha maniniwala na sana ako kaso alam ko namang ginugood time mo lang ako eh. Hahaha." Sabi ko naman ng natatawa pero seryoso parin siyang nakatingin saakin. Luhh? Seryoso ba siya? Pffft.

"Seryoso ako Anica." Uh-oh. Anica na ang tinawag niya sakin so ibig sabihin seryoso talaga siya? Halah! "Di ako nag bibiro. Mukha ba akong nagbibiro aber?" Wah?! This can't be.

"Teka? Parang ang aga naman yata? 3 weeks pa lang tayong magkakilala ah." Di siya nagsalita kaya nagpatuloy naman akong mag salita. "At tsaka sigurado ka ba? Gusto mo ba talaga ako?"

"Matagal na kitang kilala Kazumi. At tsaka oo siguradonng sigurado na talaga ako. Pero hindi, hindi kita gusto." Aw, di pala niya ako gusto? Pero bakit niya naman ako liligawan pag di niya ako gusto diba? Pati bakit parang ang sakit sa puso? Bakit parang naiiyak ako?

"Bakit mo 'ko liligawan pag di mo pala ako gusto?" Naiiyak na sagot ko sakanya.

"Di kita gusto dahil mahal na kita."

"Mahal mo ako?" Naguguluhan kong tanong.

"Oo dati pa. Dati pa nung mga bata pa tayo gusto na kita." Naguguluhan na talaga ako. Dati pa? Nung bata pa kami? Paano?

"Anong... Anong ibig mong sabihin?"

"Bata pa lang tayo magkakilala na tayo. Nag lalaro pa nga tayo sa park eh." Sila yung mga kalaro ko?

"Paano tayo nagkakilala?"

"Pinsan ko si Ella at Elle. At dahil close kami dati pinakilala kayo nila saakin.. saamin"

"Kami? Sainyo?"

"Oo kayo. Kayo nina Gia at Cleo. At oo saamin, saamin ni Kyle." Sila ang mga kababata ko? As in silang lahat? Bakit di ko sila naalala? Ang daming tanong sa isip ko. Pero ni isa di ko maalala?

"Ah." Yan na lang ang naisagot ko kay Lucas. Kaya pala ang gaan gaan ng loob ko kina Lucas, Gia at Kyle sa una pa lang naming pagkikita. At kaya pala familiar saakin sina Ella at Elle dahil sila pala yung dalawa ring mag kakambal. At tsaka si Cleo? Ano bang nangyari? Ang naalala ko lang ay yungparati kaming nag lalaro sa park at masaya kami. Pero isang araw di na kami nagkita kita. Pero teka may nangyari bang masama dati? At yun ang dahilan kung bakit inis na inis saakin si Cleo? Argh. This is seriously stressful.

"Kazumi?" Argh. Kailangan kong maalala ang lahat!

"KAZUMI?!!!"

"Oh shit." Nasabi ko. Sumigaw kasi si Lucas eh. Natunganga na pala ako? Ayyst so embarrassing. Tsk.

"Ahm sorry?" Unsure na sabi niya.

"Nah! Ako dapat ang mag sorry eh. I'm sorry if lumutang man ang isipan ko." Sabi ko.

"No need."

"But..."

"It's fine sweetie. So anong sagot mo?" He said sweetly. Tapos yung tyan ko naman parang nagkaroon ng mga paru-paru. Parang nung una ko siyang nakita nung first day of school.

"I don't wanna hurt you." Straight to the point kong sabi.

"What do you mean?"

"You'll know but not now. And hello? Gabing gabi na oh! Umuwi ka na. At tsaka tingnan mo oh nandito pa tayo sa labas ng bahay. Nahahamugan na tayo oh." Pag cha-change ko ng topic.

The Perfect GirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon