Chapter Fifty Five

937 47 5
                                    

Kazumi's POV.

"Oh my god! Kazumi, are you alright?" Nagaalalang tanong ni Elle saakin.

'Di ako nag salita, ngunit 'di rin naman ako umiling o tumango. Nagpatuloy lamang ako sa pagiyak.

Lumapit naman saakin si Georgia at hinimas-himas ang aking likod upang ipatahan ako.

"Ano'ng nangyari, Kaz?" Nagaalala rin siya.

"Si Lucas.... may lalaki... nakita niya kami..." Putol putol 'kong sabi. 'Di ko kayang sabihin sa kanila.

"Hah?" Sabay sabay nilang sabi. Tiningnan ko silang lahat.

Nandito na pala sila Ate, Gia, Elle, Ella at Cleo. Nakikita ko rin ang papalapit na si Krisha.

Mas lalo akong humagulgol.

"Uyyy Kazumi, what's the problem?" Nagtatakang tanong ni Krisha. Umiling lang ako at sinubukang mag salita.

"Si Lucas, nakita niyo ba siya? Asan siya?" Naiiyak 'kong sabi sabay tayo. Umiling naman sila bilang sagot.

I need to find him, kaya tumakbo na ako papalayo sakanila kahit na tinatawag nila ang pangalan ko.

I can't lose him now. I have a bad feeling about this.

Inikot ko na ang buong garden, ngunit 'di ko parin siya nakita.

Nanghina ako't napagpasyahan na lang na umupo sa may upuan, at nang hindi ko namalayan, ay nakatulog na pala ako.

Nagising ako nang nasa isang room na ng hotel.

Bumangon ako at may nakita akong babaeng nakatalikod saakin.

"Hmm."

"Oh, Kasumi! You're awake na!" Sabi niya saakin.

"Who are you?" Takang tanong ko sakanya.

"Oh, just a fling of your kuya." Tumawa siya.

"Where is he?" I asked.

"May binili lang sa labas, pagkain mo raw. Pinabantay ka niya saakin, so don't worry. By the way, I am Cindy." Nakangiting sabi niya na ngayon ay nakalapit na sa akin na nakalahad ang kamay sa harap ko. Tinanggap ko naman iyon.

"Nice to meet you." Sabi ko. Mukha naman siyang mabait, and the fact na pumayag siyang bantayan ako kahit na ka-fling niya lang si Kuya, ay nakakabilib.

"Nice to meet you, too! Future sister-in-law." Tumawa ulit siya. "Pero joke lang, alam ko namang may ibang mahal ang kuya mo eh." Ani niya sabay buntong hinga. She smiled sadly nang tumingin siya saakin.

"Uy! Wag kang maingay ha? Kung may ano man na tumatakbo dyan sa isip mo. Hehe. Matalino ka pa naman." Aniya.

"Sure." Ngumiti ako sakanya.

Lumingon naman kami sa pintuan na biglang bumukas at bumungad na nga si Kuya.

"Hoy, Cindy! May sinasabi ka dyan sa kapatid ko?!" Tanong niya nang nakita niyang malapit sa hinihigaan ko si Cindy.

"Wala ah! Tanungin mo pa sa kapatid mo." At lumingon siya saakin sabay kindat.

"Yeah, Kuya. She just asked me if okay na ba raw ako." Napatingin naman siya saakin.

"Oo nga pala, okay ka na ba?" Nag-aalalang tanong niya saakin.

"Of course. Paano pala ako napadpad dito?" Takang tanong ko.

"Nag lalakad kami ng kuya mo sa garden nang nakita ka naming nakahiga sa may upuan. Hinahanap ka na pala nila, we didn't know. Sakto nung binuhat ka na ng kuya mo ay, tumawag si Kazami, so ayun, dinala ka na namin dito." Pagpapaliwanag niya, tumango-tango naman ako.

The Perfect GirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon