Chapter Sixteen

2.2K 174 9
                                    

Kazumi's POV.

*Ringggggggg ringggg*

Yes at last. Tumunog na rin sawakas ang bell so that means uwian na. There's no assignment/s or projects or quizzes for tomorrow so I have the whole after noon to discuss the past with Georgi. Well pinauna ko nang umuwi si Zami kasi you know. Di naman siya part dito dati eh. So baka mainip pa yun kakahintay.

"Georgi! Tara sa playground muna tayo ng pre school. Wala naman ng tao dun eh."

"Oh sige tara."

*

"Ano pala yung pag uusapan natin Nica at kailangan pa nating pumunta sa isang tagong lugar?"

"Ahm.. Ganito kasi yun.. Uhm.."

"Uhm?"

"Di ko alam paano sisimulan eh."

"Go! Kaya mo yan."

How can I even say is to her? I just don't know where to start.

"Ganito kasi yun... Uhm. Can you still remember our childhood days?"

"Uhh? Childhood days?"

"Yup.. Magkababata daw tayo nina Lucas, Cleo, Kyle, Ella, Elle and me."

"Huh?!" Gulat na gulat ang siya nung sabihin ko yan.

"That was what Lucas told me." I paused.

"Continue. I'm listening."

"I don't know what happend way back then but I guess may nangyaring masama and that's the reason why Cleo's mad at us." Tiningnan ko siya. Pero parang may iniisip siyang napakalalim na di ko na mabasa kung anong nasa isip niya. Hanggang sa nakita ko siyang parang namimilipit sa sakit. Hinahawakan niya yung ulo niya hanggang sa naglumpasay na siya sa lupa, kaya napapanic ako.

"G-gia! A-anong nangyayari s-sayo? A-ah m-may gamot k-ka ba p-para dyan?"

"AHHH! Ang sakit!!" Sigaw niya. Nataranta naman ako. Sana may tao dito.

"A-anong masakit?! TULONG PO! TULONG!" Sigaw ko ng tulong habang parang naiiyak na.

"A-ang sakit ng u-ulo ko." Umiiyak na sabi niya. Nakapikit siya ngayon. Ano bang pwede kong gawin? Di ko naman siya mabuhat dahil di ko kaya.

"M-may gamot ka ba? Huh?"

"Oo. Sa bag ko meron." Pag kasabi niya non agad agad akong pumunta malapit sa bag niya. At hinalungkat yon. Wala akong makitang gamit. Nilabas ko na lahat ng gamit sa loob ng bag niya pero wala parin akong makitang gamot. Nacheck ko na rin naman ang ibang mga maliliit na pockets pero wala parin. Nakita ko siyang umiiyak hawak hawak ang ulo niya. Kaya lumapit naman ako sakanya.

"Gia! Wala yung mga gamot mo!" Paano na ba 'to? Mukhang wala pa namang tao dito sa pre school playground. Uwian na kasi sila eh.

"Ayy! O-oo n-nga! A-ang tanga ko naman, n-nakalimutan ko, naiwan ko pala sa bahay." Sabi niya habang sinasapo ang ulo. Diba masakit ang ulo niya? Baka mas lalo pa yan sasakit. Haynako.

"Ouch! Huhuhu ang sakit! Mas lalong sumakit!" Ayun nanaman humagulgol na siya. Sabi na nga ba eh. Mas sasakit yan. Paluin ba naman ang masakit na ulo.

"TULONG PO! ANYONE! HELP US!" Sigaw ko. Malay niyo ba may dumating bigla. Tapos tinuon ko naman ulit sakanya ang atensyon ko.

"Gia! Masakit parin ba? Huhu anong magagawa ko? Huhu ang useless ko naman."

"Tss." Narinig kong nagsalita sa likod ko.

"Sino yan?!" Tanong ko habang di pa tumitingin sa likod ko.

"Tss. Haynako. Di ka naman useless eh." Pagkarinig ko ng boses niya bigla akong napalingon.

The Perfect GirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon