Chapter 1

125K 2.6K 54
                                    

Catherine Faith's POV

Hello! I am Catherine Faith Lee, 18 years old and college na ako. Nag-aaral ako sa North Shore College, transferee lang ako dun kasi napaalis ako dun sa dating kong school dahil hindi nabayaran yung tuition. Private school ang North Shore College (NSC) pero kalahati lang ang binabayaran kong tuition kasi scholar ako at di ko alam kung bakit ganun lang binabayaran ko dahil si Tita Annabeth ang dumiskarte para makapasok ako sa North Shore. Nga pala, wala na akong magulang dahil namatay yung Mama ko nung 15 years old ako dahil sa aksidente at yung Papa ko may iba ng pamilya.

I have a sibling--- She's Harin Kate Lee, nakababata ko siyang kapatid. 12 years old lang siya. At ako nalang ang bumubuhay sa kanya pero tinutulungan naman kami ni Tita Annabeth-- kapatid ni Mama, bumibisita si Tita paminsan-minsan sa apartment na unuupahan namin at yung Papa ko naman, nagbibigay siya samin ng allowance kada buwan. At nagtatrabaho din ako as waitress sa isang restaurant, doon ako dumidiretso kapag tapos na ang school hours.

"Ate Faith!"

"Bakit, Harin?" pagkatanong ko, lumapit sakin si Harin.

"Ate, sasabay ako sayo mamaya sa pagpasok ha?" sabi niya.

"Oh sige ba." sabi ko.

Sa ibang eskwelahan nag-aaral si Harin kasi hindi na namin kakayanin ng Tita ko kung dalawa kami sa private school mag-aaral at ayos lang naman daw iyon kay Harin. Atsaka magkalapit lang ang eskwelahan namin kaya ayos lang na magsabay kami kapag papasok at isa pa, walking distance lang ang layo ng school namin sa bahay namin.

"Ate naligo ka na ba?" biglang tanong ni Harin.

"Hindi pa. Bakit?"

"Kaya naman pala eh. Mukhang tawag ka na kasi ng banyo. Hahaha!"

-____-

"Grabe ka naman sakin! Sige, maliligo na ako. Nakakahiya naman sayo eh!" saad ko at naligo na.

Pagtapos kong maligo, agad akong nag-ayos ng gamit para sa aking pagpasok sa school.

"Harin Kate!!"

"Bakit ate?"

"Ano? Ready ka na? Maya-maya lang aalis na tayo ha?" sabi ko habang inilalagay sa bag ang mga gamit ko.

"Yeah im ready!" excited ata siyang pumasok? Haha.

Sa wakas, tapos na akong mag-ayos!!

Inihatid ko muna si Harin sa school niya atsaka dumiretso na ako sa North Shore.

NORTH SHORE COLLEGE

Gee. It's my second day ngayon dito sa North Shore.

Ganun pa rin naman, nothing new. Konti palang ang mga estudyante kasi second day palang naman. Siguro bukas or next week marami nang estudyanteng pakalat-kalat dito. Nabanggit ko na bang mayayaman lahat ng estudyante dito? Ang mga estudyante dito ay mga anak ng mga CEO. At balita ko, mayroon ding nag-aaral dito na estudyante na anak ata ng may-aari netong school. At syempre hindi mawawala ang mga bitches sa mga schools kaya hindi ko nalang sila binibigyan ng atensyon. So eto ang peg ko, walang pakialam sa mga tao sa paligid.

Hindi naman sa loner ako pero ayaw ko lang makipagsabayan sa kanila kasi wala naman akong ipangsasabay sa kanila eh. Pupunta nalang ako sa room ko.

Naglalakad ako nang may nakakuha ng atensyon ko sa bulletin board.

MR. KURT JIYONG KWON IS RECOGNIZE AS YOUNG BILLIONAIRE. LET'S CELEBRATE!

Young billionaire? Wow, astig! Ano kayang ginagawa neto bakit siya naging ganyan? And sino kaya yan? Nakaka-curious pero hayaan ko na nga lang. Makapunta na nga sa room.

Nang makapunta ako sa room, umupo agad ako sa dulo para kaunti lang ang makapansin sa akin. Nagbasa na lang ako ng libro para malibang ako.

After 15 minutes.....

Matatapos ko na yung libro pero wala parin yung professor namin. Ano, Prof? Walang balak magpakita? Nung pagtingin ko sa mga kaklase ko, medyo madami na sila pero busy sila sa kanila sa sari-sarili nilang business. Like yung ibang grupo, kwentuhan sila about sa ganito, ganyan. Tapos yung iba nagkukumpulan, kasi naglalaro ata sila sa cellphone nila.

*1 Message Arrived

From: Bunso

Ate, baka medyo maaga akong umuwi kasi wala namang masyadong ginagawa at magpa-dismiss ng klase ng maaga.

Ahh buti pa si Harin, chillax chillax nalang mamaya. Samantalang ako? Magtatrabaho pa T___T Sadlayp.

To: Bunso

Okay. Mag-ingat sa pag-uwi. Wag na maglakwatsa.

After I sent that message to Harin, biglang nag-enter ng classroom ang prof namin. Aba may balak pa pala siyang turuan kami, eh 20 minutes nalang before mag-ring ang bell.

"Sorry class, if I wasn't able to come on time because the dean called for a meeting. Hope you understand." sabi nya habang inaayos ang kanyang gamit sa pagtuturo. Nagsipag-ayos ng upo ang mga estudyante.

"So, we'll start our discussion tomorrow. Magpapakilala lang ako at kayo. At ako si Professor Tablo Cruz. Girl with the grayish hair in the front, you may introduce yourself. To be followed by the one who is sitting beside her and so on and so forth." saad pa ni Prof.

Introduce kyeme lang pala ang magaganap. Blah blah blah blah. Lutang lang ako magdamag hangga't sa hindi ko namalayang ako na pala ang magpapakilala.

Tumayo na ako at nagpunta sa harapan.

"Hello. Im Catherine Faith Lee, 18 years old. I am just a transferee. So baguhan at hindi ko pa kayo kilala lahat and please bear with me. Ayun lang." bumalik na ako sa upuan.

Natapos ang oras namin kay Sir Tablo sa pagpapakilala lang. So, I survived! Haha

--------
Catherine Faith Lee and Harin Kate Lee on the multimedia. :)

✿ Don't forget to vote and comment. ✿

Ms. Innocent Meets Mr. F*cker [R16] #Wattys2017Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon