Chapter 53

46.7K 1K 187
                                    

《 Pakinggan niyo po yung kanta sa multimedia while reading this chapter po. /wink/ 》

Catherine Faith's POV

After 2 weeks...

Naglalakad ako sa hallway ng condo.

Napadaan ako sa pad ni Jiyong.

Matagal na siyang hindi umuuwi sa unit niya. Malamang puro alikabok na ang loob neto.

Tinatawagan ko siya pero cannot be reach lagi.

Gusto ko siyang kausapin kasi gusto mag-paalam sa kanya. Gusto ko rin magpasalamat na naging parte siya ng buhay ko.

Ilang araw din akong umiyak dahil kay Jiyong. At ngayon, wala na akong luhang iluluha dahil naibuhos ko na 'yon.

Palagi akong kino-comfort nila Bommie at Dara, nakwento ko na kasi sa kanila ang nangyari.

At lagi ding nandiyan sila Taeyang para sa akin.

Hindi din daw nila ma-contact si Jiyong. At hindi din daw nila nakikita sa office at maging sa school man.

Asan na kaya siya? Nagpakasal na kaya sila? Pero sabi ni Sir Henry, 'pag nagstart na daw ang Christmas Break. Pero bukas pa 'yon.

Nalulungkot na naman ako kapag naiisip ko 'yang kasal kasal na 'yan.

Sinasanay ko na rin ang sarili ko na mag-isa--- na wala si Jiyong.

Hindi ko namalayang papunta na pala ako sa labas ng condo.

Nang makalabas ako, sakto namang may napadaang jeep at sumakay na ako doon.

"Bayad po." nagbayad ako pagkasakay ko.

Habang naghihintay ako na makarating sa destinasyon ko, bigla akong nainis sa katabi kong lalaki.

Ang baho ng cologne niya!

"Kuya, pwede bang umusog ka ng konti?" suggest ko.

Naiinis talaga ako sa amoy!

Medyo nagiging weird na rin ang pakiramdam ko these past few days. 'Yong mga favorite kong pagkain, nagiging hate ko na.

Nang makarating ako sa NSC, bumaba na ako sa jeep.

Pumasok ako sa school.

Konti nalang ang tao dito sa school dahil last day na ngayon. Magki-christmas break na kasi.

Imbis na dumiretso ako sa classroom, dumiretso ako paakyat sa rooftop.

Bago ako tuluyang makaakyat sa huling palapag papunta sa rooftop, napahinto ako sa harap ng isang kwarto.

Nung mga panahong inosente pa ako, dito ko naririnig ang mga kung ano-anong milagrong nangyayari.

Hindi na rin ata pumupunta sila Tristan diyan sa kwartong 'yan.

Bago ko pa alalahanin ang lahat, nagtungo na ako sa rooftop.

Ito yung lugar na lagi kong pinupuntahan dati.

Napatingin ako sa wallpaper ng cellphone ko.

"Jiyong, asan ka na ba?"

"Miss na miss na miss na kita...."

Parang tanga kong kinakausap ang cellphone ko.

*inhale* *exhale*

Kung pwede ko lang i-exhale lahat ng sakit ng nararamdaman ko eh.

"Why are you here?"

Nagulat ako nang may biglang nagsalita.

Nilingon ko 'yon.

Ms. Innocent Meets Mr. F*cker [R16] #Wattys2017Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon