Chapter 11

62.4K 1.2K 23
                                    

Catherine Faith's POV

Pumunta na ako sa main gate at nakita ko si Dara at Bommie.

"Bommie! Dara!" tawag ko sa kanila.

"Ay Faith! Sinama ko si Dara para naman makapag-bonding naman tayong tatlo!" sabi ni Bommie.

"Great idea!" sabi ko.

"Bagay na bagay pala sayo yung binili kong damit eh!" saad ni Dara.

"Binili mo kay Faith?" nakangiting tanong ni Bommie.

"Yup, binilhan niya ako ng mga damit kahapon."

"Ang daya! Ipapamili din kita ngayon, hindi ka pwedeng humindi!" angal niya.

"Wag na, Bommie. Wag ka nang mag-abala. Madami nang nabili saking damit si Dara. At isa pa, nakakahiya na masyado sa inyo." pangtanggi ko.

"Sige na kasiiii~ I've always wanted to have a younger sister kaso wala eh kaya ikaw nalang ang ituturing kong kapatid. So, ang gusto ko sa kapatid ko ay pinagsho-shopping ko. Okay? Wag ka nang tumanggi."

Mukhang hindi na ako makakatanggi sa kanilaaaa. (-__-')

"Err? Sige."

Sumakay na kami sa kotse ni Dara.

Si Dara ang nagda-drive at doon niya ako pinaupo sa shotgun seat at sa likod si Bommie.

"So, Faith? May natipuhan ka na ba sa school?" tanong niya at tawa ng mahinhin.

Sasagot na sana ako nang mag-vibrate ang cellphone ko.

*1 Message Arrived

From: Bunso

Ate, dumiretso ako kela Tita Annabeth ah!

Nireplyan ko siya.

To: Bunso

Okay.

"Huy! Faith, yung tanong ko sayo!" biglang sabi ni Bommie nung nakalimutan kong sagutin yung tanong niya. Natawa si Dara.

Ang cute niya talaga hohohoho~ ^____^

"Ay oo nga pala. Wala naman kasi wala naman ako masyadong ka-close na boys eh. At di ko sila nakikitaan ng interes."

"Wala ka pang ka-close? Nakakausap? Kahit isa?" napaisip ako dun sa tanong niya at may naalala ako.

"Ah meron naman akong nakausap."

"Sino?" sabay na tanong nila.

"Minsan ko lang sila nakausap. Si Taeyang at Tristan." sagot ko.

"For real?!" "Weh?!" sabay na sabi nila.

"Oo, bakit?" nagtatakang tanong ko.

"Wow! Ang swerte mo, Faith! Yung ibang babae nagkakandarapa sila para malapitan sila Taeyang at Tristan pero ikaw nakausap mo na agad sila!" sabi ni Dara.

"Kahit nga kami, hindi nila kami nakausap ni minsan." sabi ni Bommie.

"Malay mo naman may iba pa silang kaibigan na babae bukod sa akin hehehe!" ilang kong sagot.

Nakarating na kami sa mall at bumaba na kami ng sasakyan. Dumiretso kami sa isang boutique na may tindang damit na puro pang-casual.

"Good afternoon Ms. Dela Vega!"

"Good afternoon." ngiti niyang sabi sa saleslady.

Lumapit ako kay Dara.

"Kilala siya dito?" bulong ko sa kanya.

Ms. Innocent Meets Mr. F*cker [R16] #Wattys2017Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon