Chapter 54

44.9K 1K 106
                                    

Catherine Faith's POV

Nasaan ako? Nasa langit na ba ako?

Bakit puro puti ang nakikita ko?

Nilibot ko ang paningin ko at nakita ko si Taeyang sa isang monoblock chair.

"Oh gising ka na pala." sabi niya nang mapansin niya ako.

"Bakit ako nandito?" tanong ko.

"Nahimatay ka kanina." sagot naman niya.

Tinignan ko ang oras 6PM na pala.

Gaano ako katagal nakatulog?

"Sino nagdala sakin dito?" tanong ko.

Nagbabakasali na naman ako. Malay mo binabangungot lang ako kanina. At hindi totoo lahat ng sinabi ni Jiyong. Baka siya ang nagdala sakin dito.

"Ako. Tinawag nila ako kasi nagkakagulo daw sa rooftop at naabutan kita kaso bigla kang hinimatay." sabi niya.

Oh, siya. Wala na talagang pake sakin si Jiyong.

Sino lang ba ako sa buhay niya para magkaroon siya ng pake? Partner niya lang ako sa kama.

"Ano sabi ng doctor? Bakit daw ako nahimatay?" tanong ko ulit.

Nakita ko ang paglunok ni Taeyang.

"O-overfatigued ka kaya ka n-nahimatay." medyo utal niyang sagot.

"Ah gano'n ba? Sige salamat."

Naalala kong birthday ko na pala bukas.

Overfatigued ako sa birthday ko bukas.

"Bukas, pwede ka nang umuwi." saad niya.

"Taeyang, bukas birthday ko. Pwede bang puntahan natin sila Bommie bukas? Para naman makapagsaya ako kahit papaano." suggest ko.

"Hindi ako pwede bukas. A-attend kami nila Alexander sa kasal. Sorry, Faith." medyo malungkot niyang sagot.

Ay oo nga pala. Kasal na pala nila bukas.

Ang sakit namang isipin 'yon. Kapag magwe-wedding anniversary sila, sa araw mismo ng birthday ko.

"Ayos lang. Ako nalang pupunta kela Dara." sabi ko.

"Mag-ingat ka bukas. 'Wag ka masyadong magpakapagod." paalala niya.

Hindi ko alam kung bakit pero nawe-weirdan ako ngayon kay Taeyang.

"Sige." sabi ko.

"Gusto mo bang lumabas?" tanong niya nang matahimik kami.

"Gusto ko sana." sabi ko.

"Tara. Samahan kita." saad niya.

"Ay wag na. Dito ka nalang. Ikaw ang magpahinga kasi kanina mo pa ako binabantayan dito." pagtanggi ko.

"Sigurado ka?" tanong niya.

"Oo. Magpahinga ka nalang." sabi ko naman.

Tumango lang siya at inalalayan ako paupo sa wheelchair.

Pinaandar ko yung wheelchair papunta sa parang terrace at lumapit ako doon sa may railings.

Lumanghap ako ng hangin.

Ms. Innocent Meets Mr. F*cker [R16] #Wattys2017Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon