Chapter 12

61.2K 1.3K 46
                                    

Catherine Faith's POV

Nandito ako sa bahay. Kakagising ko lang. May naalala ako.

"Ay!" bulyaw ko.

Hindi na naman ako nakapasok kahapon sa trabaho ko. Malamang ngayon hindi na naman kasi may practice for Mr. and Ms. NSC.

Baka magalit yung boss ko. T____T

Kinuha ko ang cellphone ko.

Calling Boss (resto)....

Ilang minuto na ang nakalipas pero hindi pa rin sinasagot.

Calling Boss (resto)...

Wala paring sagot.

Tinry kong itext. Mababasa niya naman siguro yun.

To: Boss (resto)

Sir, pasensya na po kung hindi po ako nakapasok kahapon. Tatry ko pong pumasok ngayon. Sensya na po talaga. Busy lang po sa school. Hope u understand po. Ty!

I sent that message. Tatayo na sana ako sa kama ng mag-vibrate ang cellphone ko.

*1 Message Arrived

From: Bunso

Ate Faith, uuwi ako mamaya ha.

I composed a message.

To: Bunso

Ay Harin, diyan ka nalang kaya muna? Wala kasi ako dito mamaya eh.

Sinend ko iyon at maya-maya'y tumawag siya.

Bunso calling...

Sinagot ko iyon.

"Hello bunso." pambungad ko.

[Ate, saan ka na naman pupunta mamaya?]

"May practice for Mr. and Ms. NSC eh. Kasali ako dun."

[Ah okay. Eh ate? Punta kaya ako kay Papa?]

Natigilan ako sa tanong niya.

[Ate? Nandyan ka pa ba?]

"Ah oo, nandito pa ako."

[Ate, pwede ba akong pumunta doon?]

"Bawal. H-hindi pwede." sabi ko.

Kasi anong gagawin niya dun? Magmumukhang tanga lang siya doon kasama yung ibang pamilya ni Papa.

[Ayts. Sige, ate. Dito muna ako kela Tita. Bye!]

Call Ended

Hindi ko pa pala nasasabi sa inyo na may konting sama ng loob ako kay Papa kasi iniwan niya kami. Nalaman namin na may iba na pala siya bago pa man maaksidente si Mama. Kung kayo din naman ang nasa kalagayan ko, mararamdaman niyo rin ang nararamdaman ko.

Ayaw ko mang tanggapin yung allowance na binibigay niya samin buwan-buwan, kelangan ko paring tanggapin yun kasi responsibilidad niya na sustentuhan kami. Kinukuha niya si Harin sakin kasi daw hindi ko daw kayang buhayin si Harin. Pinaglaban ko yung kapatid ko, kasi siya nalang ang meron ako tapos kukunin niya pa. Napagdesisyunan ni Papa na kapag daw nalaman niyang hindi ko na kayang buhayin si Harin, kukunin niya daw talaga sakin yung kapatid ko.

Nagtataka kayo kung bakit si Harin lang kukunin, noh? Kasi nagmatigas ako na ayaw kong sumama sa kanya at nasa tamang edad na ako.

Nabalik ako sa wisyo nung kumalam na ang sikmura ko.

Inayos ko yung higaan ko at bumaba na.

Pumunta ako sa mesa at nagtimpla ng chocolate drink. Tinapay nalang ang kinain ko.

Ms. Innocent Meets Mr. F*cker [R16] #Wattys2017Where stories live. Discover now