Chapter 9

68K 1.3K 29
                                    

Catherine Faith's POV

Nasa mall kami ngayon ni Dara. Nabo-bored na ako kasi bumibili siya ng damit niya. At ang role ko? Dakilang tagapili kung ano ang magandang damit.

Naghikab ako dahil antok na antok ako.
Nag-vibrate phone ko.

*1 Message Arrived

From: Bunso

Ate, dumating si Papa pero saglit lang. Inabot niya lang yung money. Anong oras ka uuwi?

I composed a message.

To: Bunso

Maya-maya uuwi na ako.

Sinend ko iyon.

"Faith, nabo-bored ka na ba?" hindi lang bored. BORED NA BORED.

"Hindi naman, konti lang." sagot ko kasi baka ma-offend siya sa 'bored na bored.'

Best liar award goes to me! *bows*

"Gusto mo ipag-shopping kita?" alok niya.

"Huwag na. Ano ka ba. Wag ka na mag-abala, may pambili naman ako hehe." sagot ko.

Kasi nakakahiya naman, libre siya ng libre sakin. Baka sabihing gold-digger ako, diba?

"Halika na dali! Bibilhan kita. Wag ka nang umarte."

Bago pa ako makapag-react ay hinila niya na ako. More on, kaladkad pala.

Kuha lang siya ng kuha ng damit. Hindi niya tinitignan kung magkano ang presyo at kung anong style ang pinagkukuha niya.

"Err. Bagay ba sakin yang mga yan?" tanong ko.

"Bagay sayo 'tong mga 'to." sagot niya.

"Err? Pati yan?" tinukoy ko yung damit na masyadong showy ng skin.

"Oo. Bagay yan!" sabi niya at binayaran lahat ng damit.

Nakita ko yung total price. Halos lumuwa yung mata ko nang makita ko iyon.

P50,000.

Yan ang total price ng damit na pinagkukuha niya pero kasama na rin yung damit niya doon sa presyo na iyon.

Pero wow ah. Ang mahal! Winisikan ba ng ginto ang peg? Jusko Lord.

"Kain muna tayo?" aya niya.

"Sige!" sabi ko.

Naisip ko na ako na ang magbayad ng kakainin namin kasi nakakahiya na talaga kay Dara.

Pumasok kami sa isang sosyal na restaurant. Nako, patay ako neto. Pero keribells yan! Maninindigan ako.

Umupo na kami at lumapit yung waiter.

"May I take your order, Maam Dara?"

"What do you want, Faith?" tanong ni Dara.

"Anything. Ikaw na ang bahala." wow namern. Kilala si Dara, dito sa restaurant na ito.

Atsaka wala din naman akong alam sa menu diba? Pasensya na, tuyo lang kasi kinakain ko. Haha!

"We'll have the chef's specialty." sabi ni Dara sa waiter.

"Okay Maam." umalis na yung waiter.

"Gusto kong isuot mo bukas yung laced na sleeveless top ah." biglang sabi niya.

"Ha? Bakit naman iyon? Pwede naman yung matitinong damit."

Err. Sleeveless.

"Dali na kasiiii~ Gusto kitang turuan maging confident."

Ms. Innocent Meets Mr. F*cker [R16] #Wattys2017Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon