Chapter 52

48.1K 1K 217
                                    

Kurt Jiyong's POV

"Are you happy about my surprise for you, son?"

Isang tao lang ang tinitignan ko sa audience.

Si Faith, siya lang ang tinitignan ko habang nandito ako sa stage.

At nung makita ko siyang umalis, palakad na sana ako nang biglang may humawak sa braso ko.

"Where are you going?" bulong ni Zoey sakin.

Hindi ako nakasagot.

"Son? Are you happy?"

"Ah. Yes, Pa. Thanks..." sabi ko.

Me? Happy? Bakit hindi ko ramdam?

Naramdaman ko ang pagkapit ni Zoey sa kamay ko.

I should be happy kasi nandito na siya. Binalikan niya ako.

Pero ang babaeng tinitignan ko kanina, nawala dito sa venue. Alam kong nabigla siya sa announcement.

Nakita ko naman na sumunod si Taeyang sa kanya.

Nakaramdam ako ng kirot sa may bandang dibdib ko. Which is weird.

"Jiyong, smile." pabulong na utos ni Zoey sakin.

Nag-smile ako sa mga tao.

Lumapit sakin si Papa.

"Anak, narinig mo naman siguro ang sinabi ko kanina. Magpapakasal agad kayo ni Zoey once na mag-start ang Christmas break." sabi niya sakin.

"Why is it so early?" I asked.

"Let's discuss it later." he answered.

Iniwan niya kami doon ni Zoey at bumaba naman kami sa stage.

"Enjoy the party!!" the emcee said.

Napunta kami sa isang sulok ni Zoey at naupo kami sa isang couch.

"So good to be back." biglang sabi niya.

I just smiled at her.

"What happened to you?" tanong niya.

Pero imbes na sagutin ko 'yon, tinanong ko din siya.

"Why did you leave me?"

"Seriously, Jiyong? Kailangan ko pa ba talagang sagutin 'yan?" natatawa niyang tanong.

"Yes. Kailangan ko ng dahilan kung bakit mo ko iniwan." seryoso kong sabi.

*KRIIING KRIIING*

"Excuse me." saad ko.

Tinignan ko kung sino ang tumatawag.

Taeyang calling...

Why is he calling?

I was about to tap the answer button but Zoey grabbed it from me.

"What the----" she cut me off.

"Im gonna keep it. Istorbo siya. Nag-uusap tayo." sabi niya nang nakangiti. Pilit na ngiti.

Ms. Innocent Meets Mr. F*cker [R16] #Wattys2017Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon