Chapter 54:Awkward Situation

4.2K 107 0
                                    


Vienesse POV

Kumuha siya ng tie at itinali sa akin. Hinila niya iyon. Magkalapit ang mukha namin.

"You're so hot! Maybe we could go out some time"buong kalandian niyang sabi sa akin.

Tss. Para akong masusuka.

"Your reaction is priceless"tinawanan niya ako. Pigil niya ang tiyan habang patuloy akong tinatawanan.

"Diyan ka na nga!"ubos na ang pasensyang umalis ako. Pinuntahan ko si Klein

Nagulat siya ng makita ako.

"Ang pogi mo pare! Para akong mababakla"pang-aalaska pa ni Klein sa akin.

Natampal ko siya sa kamay.

"Tumigil ka na nga"hinila ko siya. Hanggang sa sasakyan tumatawa siya.

"Baka pag-agawan ka niyan ng chicks"hindi ko siya pinansin.

First time kong gawin ang pagbabalatkayong iyon. Sana hindi kami mabisto.

It was different from my past missions. Kaya nga medyo awkward kapag nilalapitan ako ng kapwa ko babae.

Nagpagawa muna ako ng fake ID, Birth certificate, Diploma. Luke Russell Crow ang ginawa kong pangalan.

Nasa bungad na kami ng lugar. Lalabas na sana ako ng hilahin niya ako sa kamay.

"Would you be fine alone?"he said. Takot siyang baka masaktan ako.

"I am not afraid of death. In fact, they should be the one who should be terrified"pinalis ko ang kamay niya.

Pumasok na ako. Ipinakita ko ang papeles ko sa guwardiya. Itinuro niya sa akin ang daan.

It was an endless hallway. Dumaan ako sa cubicle ng mga nag-oopisinang babae.

"Ang gwapo"someone murmured. It took me much courage na hindi masinghalan ang mga babaeng iyon.

They were obviously smitten.

Hindi ko sila pinansin. I immediately doubled my pace nang makita ko ang sign ng HR department.

Nakatalikod ang taong naka-upo sa swivel chair. I cleared my throat. Isa sa mga hidden talent ko ang mang gaya mga boses.

I had been trying to mimic the voice of Paul Westley and Ian Somerhaulder, the actors in the U.S TV series Vampire diaries.

I hope I did good in practice. Lahat kami sa agency tinuturuan upang maging magaling sa pang gagaya ng boses.

"My name's Luke Russell Crow. I'm here to apply for the position stated outside"macho ang lumabas na boses mula sa akin.

Napaharap siya akin. Isang magandang babae ang nakita ko.

"I'm Zievia Ellen Watson. I'm the one assigned here"napatulala siya. May malisya ang bawat titig niya sa akin.

"Here is my resume"naiilang na ibinigay ko sa kanya ang papeles ko.

Kinindatan niya ako. Sandaling niyang pinag-aralan ang papeles. Ilang minuto niya lang iyong binasa.

"Okay! You're hired"nilapitan niya ako at kinamayan. May malisyang hinawakan niya ako sa kamay.

Magkalapit na ang mukha namin. Pinipigilan ko lang ang sarili kong magalit. May calling card siyang inilagay sa polo ko.

"Call me!"buong kalandiang sabi ni Zievia. Kuyom ko ang kamay, pinipigilan ko ang sariling itulak siya. I don't want to blew everything.

Inihatid niya ako sa pinuno niya. She had been trying to hold my hand. Sinusubukan kong ilayo ang kamay ko.

Saved by the bell. Nasa tapat na kami ng kwarto kaya natigil ang paglalandi niya sa akin.

My Lady ButlerNơi câu chuyện tồn tại. Hãy khám phá bây giờ