Chapter 87:Locked behind bars

3.5K 89 0
                                    

Chapter 87

Vienesse POV

Nasa presinto na kami. Pinapasok kami ng pulis sa isang kwarto na makikita sa labas ang mga nasa loob.

Nasa gitna ng kwarto, may mesa. Nakaupo si Fleance sa upuan. Tulala siyang nakaupo at tila malalalim ang iniisip.

I sat in front of her. Napatingin siya sa akin. Agad na rumihistro ang galit sa mukha niya.

"Ano pa ba ang ginagawa mo rito? Hindi pa ba sapat sa iyo na nandito na ako sa kulungan? What else do you want? Wala ka nang sisirain sa buhay ko, sira na ang lahat ng mayroon ako. Isn't this enough payment sa mga nagawa ko?"sigaw niya sa akin.

Agad na inawat siya ng mga pulis.
"Hindi ako masokista na gusto ka pa ring makita kahit nakakulong ka na. Kung nasaan ka ngayon, dito sa impyernong lugar na iyon, it is enough payment for what you did. This is the price you have to pay for even daring to mess with me. Pero gusto kong malaman bakit may mga gangsters kang kasama nang nasa mall kanina?"tanong ko sa kanya. I know those gangster would want to have revenge. May isang nakatakas kanina.

Our life would be in danger. I need to imprison every person that has the posibility to have revenge.

"Why would I tell you?"agad na sinampal ko siya nang ayaw niyang sabihin sa akin ang sagot.

"Mas pinahihirapan mo pa ang sarili mo. A simple address or name won't hurt you"I could be cruel at times but it is the thing that made me a top agent.

"Maghintay ka sa wala. Kahit anong gawin mo hindi ko sasabihin sa iyo. I won't let you get the only thing that gives me hope that I would escape this prison"sinigawan niya ako. I slapped her again. Akmang sasabunutan niya ako ng pigilan siya ng bagong dating na si Klein.

"That's enough Fleance! Binigyan mo na kami ng kaguluhan. I won't let you make another"nagulat ako ng  yakapin si Klein ni Fleance.

"Klein, I still love you--"agad na binaklas ni Klein ang kamay ni Fleance sa batok niya.

Bago kami lumabas, she gave me a look that says "Hindi pa tayo tapos". Ibinalik na siya ng mga pulis sa selda.

Nagpupumiglas siya.

Pagod na sumakay kami papuntang pharmacy ni Klein. I need to buy some meds for lolo. Agad na kinuha ako ang credit card ko.

Na short ako sa cash kaya credit card ang ginamit ko. The lady swiped it.
"Sorry Miss! But it doesn't work"sabi sa akin ng babae.

"Pls try it again"ipinaulit ko sa babae ang processo. Ngunit declined pa rin. Sino kaya ang mag-lalakas loob na i-freeze ang assets ko?

"What that--"napamura ako sa frustration. Pinagtitinginan na kami ng nga tao.

"Here let me pay for it"si Klein na ang nagbayad para sa akin.

"Thanks for that"sabi ko sa kanya. Galit na naitapon ko ang wallet sa loob ng sasakyan.

"Who would do that crap to me?"tanong ko sa kanya. I need to check who wants to steal money from me.

"Well there's only one thing to find out"sabi niya saka nag u-turn nang papuntang banko. Tatadtarin ko ng pinong pino ang magnanakaw na iyon.

My Lady ButlerWaar verhalen tot leven komen. Ontdek het nu