Chapter 59:Male Version

3.9K 88 0
                                    

Chapter 59

Kaori's POV

Hindi ako pwedeng magkamali Male version talaga ni Vienesse ang lalaking kasama ni Zievie.

Maybe she's on a mission. Hindi ako sigurado pero bakit niya kailangang magpanggap na lalaki?

Vienesse POV

Nasa tapat na kami ng bahay nina Zievia. Ilang minuto na ang lumipas at tila may hinihintay siya.

Ipinikit niya ang mga mata at lumapit sa akin. Pasimple kong itinext si Klein na tawagan ako.

Malapit na siya sa labi ko nang tumunog ang phone ko. Nakahinga ako.

"Sorry! Zievia there is an emergency"there was urgency in my voice.

Napilitan siyang lumabas.

"See you"mabilis na pinaharurot ko ang sasakyan. Kailangan kong nakalayo sa kanya. She's like a nightmare dressed like a daydream.

Napasukan kong hinihintay ako ni Klein. May sarili siyang kwarto sa bahay namin.

Naupo ako sa tabi niya at napabuntong hininga.

"You look tired. Ihahatid na kita sa kwarto mo"iginiya niya ako sa kwarto ko.

Sasarhan ko na ang pinto nang hilahin niya ako. Niyakap niya ako.

May ibinulong siya sa akin.

"Sana matapos na agad ang misyon mo dahil na mimiss na kita"niyakap niya ako ng mahigpit.

"Sana nga"gumanti ako ng yakap.

Inilapit niya ang mukha sa akin. Hinalikan niya ako. Hindi na ako tumutol. He kissed me hungrily.

Gumanti ako ng halik.

"I love you"itinulak ko siya. Umalis na siya at marahan kong isinara ang pinto.

Everybody has to stop kissing me. Una kay Zievia ngayon naman kay Klein.

Tumunog ang cellphone ko. I was relieved nang makita kong si lolo ang caller at hindi ang makulit na si Zievia.

"So nakuha mo na ba ang kontrata?"his voice is hopefull.

"Hindi pa. She made a bargain. I need to accompany her for one week. Mukhang naiinlove na nga po sa akin"yamot kong sabi sa kanya.

"Good! Keep doing it"tumunog ang teleponi niya. Nawala siya sa kabilang linya.

"But! Mukhang hindi na ako makakatagal pa ng one week--"nag hang up na siya.

May 20 messages ako mula kay Zievia. Hindi ko siya ni-replyan. Pinatay ko ang phone ko at kinuha ang battery.

Inilapag ko sa side table ng kama ko ang battery at cellphone ko.

My Lady ButlerWhere stories live. Discover now