Chapter 67:Confessing the Truth

3.9K 89 0
                                    


Vienesse

Problem ni Ariana Grande ang pumailanlang sa dance floor. Ilang minuto lang ay naging wild na sa dance floor ang mga nagsasayaw.

Nasa gitna kami ng dance floor. Wild pala kapag nasasayaw si Zievia. Nararamdaman kong ikinikiskis niya ang katawan niya sa akin.

Nang maramdaman kong lumalapit na ang ulo niya sa akin. Nag paalam akong kukuha muna ng drinks.

Nagkabunguan kami ni Prescilla kaya natapon sa akin ang iniinom niyang juice. Napasinghap ako ng maramdaman ko ang malamig na likido sa dibdib ko.

She smiled cunningly at me. Sinadya niyang matapunan ako.

"Sorry ha? I'm so clumsy kasi eh"pinadaanan niya ng kamay ang nabasang parte ng polo ko.

Ramdam ko na naglalakbay ang kamay niya sa katawan ko. Pinalis ko iyon. Saka naman dumating si Zievia.

"What happened?"may pagaalala sa tinig niya.

"Wala"minabuti naming mauna nang umuwi wala kasi akong dalang polo.

Sumakay kami sa kotse ko. Lumamamlam ang tingin niya sa akin. Lumapit siya sa akin. Hahalikan niya ako nang umisog ako palayo.

"Bakla ka ba Luke?"tinawanan niya ako. Saka umisog palapit sa akin.

"I don't know how all of this will end Zievia. I don't get into a relationship without assessing my feelings for the person. My parents brought me up as a gentlemen"paliwanag ko sa kanya. Tumango siya.

Naihatid ko na siya ng may makita akong sasakyan na kanina pa ako sinusundan.

Tinulinan ko ang pagpapatakbo. I need to get the place number of the car. Ngunit huminto ang sasakyan sa kalapit na branch ng Pizza Hot.

Lumiko ako sa isang hotel. I want them to think that I just live in that hotel. Tatawagan ko na lang kina Klein.

6:30 AM.

Day 5

I was soundly asleep. Medyo nalasing ako sa alak. Medyo masakit pa ang ulo ko.

Zievia's POV

Pinasundan ko si Luke kagabi kaya nalaman ko kung saan siya nag- si stay.

Gusto ko siyang ipakilala sa parents ko kaya maaga ko siyang pinuntahan.
Nilapitan ko ang receptionist.

"In what room is Mr. Luke Russell Crow?"magalang na tanong ko sa babae.

"Room 267 po. Second floor then, kumanan po kayo"ibinigay niya sa akin ang dereksyon.

I doubled my pace when I reached there. Kumatok ako ng ilang beses. Tinatawagan ko rin siya pero out of reach ang phone niya.

Nagulat ako na bukas pala ang pinto.

Luxury suit pa ang napili niyang kwarto. Para itong bahay, may sariling recieving room at kitchen.

Kumatok ako sa kahoy na pintuan ng kwarto niya. Narra iyon and I bet sound proof din ang kwarto.

Nakalock ang pinto. Kinuha ko ang hair pin sa buhok ko. I picked the lock. Sumilay ang tagumpay sa mukha ko nang may marinig akong mahinang klick.

Napasukan kong bakabalunbon ng kumot ang buong niya katawan. Tinawag ko siya. But he didn't responded.

Hinila ko ang kumot. Nanlaki ang mga mata ko sa nakita. It was a lady. She was in her pajamas. Nagkalat din sa sahig ang polo,pantalon at sapatos ni Luke.

Baka babae ito ni Luke. Hindi ako papayag na may babaeng mas nakatimbang sa puso niya.

Sinabunutan ko siya.

Vienesse POV

Nagising ako sa sabunot ng kung sino. Masakit na ang anit ko.I opened my eyes. It was Zievia. Hindi pa ako nakaayos.

"You're a slut! Nasaan si Luke!?"patuloy niya akong sinasabunutan.

Inaawat ko siya ngunit patuloy lang siya sa pagsabunot sa akin. I can't hide the truth forever. I have to tell her the truth even if it can hurt her.

"This is the real me Zievia"I confessed. Tinignan niya ako ng masama. She was consumed by jealousy.

"What are you talking about?"galit na tanong niya sa akin. Lumayo muna ako sa kanya.

"Hindi ako si Luke Russell Crow. Ako si Vienesse"seryoso kong sabi sa kanya.

Nanghihinang napaupo siya sa kama ko. Anger, shock and pain was written on her face.

"You fooled me! Dahil ba ito sa kontrata?"tumulo ang luha niya ng tumango ako.

Nilapitan niya ako at sinampal ng malakas. Halos bumaon na ang kamay niya sa mukha ko sa sobra niyang galit.

Tuliro siyang lumabas ng hotel suite ko. Umaagos ang luha sa mata niya. She looked betrayed.

My Lady ButlerOnde histórias criam vida. Descubra agora