Chapter 58:Seen Undercover

3.9K 91 0
                                    


Vienesse POV

Maganda kahit nasa malayo ang babae. Tsinita siya at maputi. Napatda ako sa nakita.

Si Kaori Ishi Miyuki ang papalapit sa table namin. Nanlambot ako. Pinanatili kong kalmado ang mukha ko.

Kinamayan siya ni Zievia. Naupo na siya ngunit hindi niya parin ako napansin.

Dumapo ang tingin niya sa akin. Ibinaling ko ang tingin sa ibang dereksyon.

"Have we met before?"naka focus ang tingin niya sa mukha ko tila may pilit na inaalala.

"Sorry miss! Hindi pa kita nakita noon"binara ko siya at itinuloy ang pagkain ko.

"Oo nga Kaori! Baka kamukha lang ng magiging boyfriend ko ang kakilala mo"tumawa si Zievia at may inilabas na papeles mula sa bag niya.

Kamuntik nang natapon ang juice na iniinom ko. Magiging boyfriend? Para akong masusuka sa ideyang iyon.

Tungkol na sa bussiness ang pinag-usapan ng dalawa. Para hindi ako mailang sa tingin niya naglaro muna ako ng apps sa phone ko.

Tanghali na ng matapos ang meeting ng dalawa. Lihim akong nakahinga.

Minabuti naming doon na kumain.

"Can I get your number Luke?"kinuha niya ang phone ko ngunit naka lock iyon. Nilagyan ko kanina ng password ang phone ko.

"Para saan?"hinihila niya ang cellphine ko at hinahatak ko naman palayo iyon mula sa kanya.

"Para matawagan kita kung saan tayo magkikita bukas"sinabi niya iyon at inagaw ang phone ko.

Pilit niyang binubuksan ang phone ko. Inagaw ko mula sa kanya iyon.

"Okay! You win here is my number...."idinikta ko sa kanya ang phone number ko.

Tuwang-tuwa siya sa nang maisave niya ang phone number ko.

Nasa labas na kami nang tila sumakit ang paa niya. Nabuwal siya sa daan. Agad na dinaluhan ko siya.

"Ito ba ang masakit?"hinilot ko ang kanang paa niya. Mukhang umaarte lang siya. Kaya sinakyan ko na.

Binuhat ko siya. Para siyang tuko kung makakapit sa akin. Medyo nabigatan ako.

Isinakay ko na siya sa kotse. Inayos ko muna ang posisyon niya at minasahe uli ang paa niya.

"Mukha namang maayos ang paa mo. You don't have a fracture or broken bones. Maybe you're just tired sa kakatrabaho"umupo na ako sa drivers seat.

"Siguro nga"kinindatan niya ako.

Inihatid ko na siya at umuwi na ako.

My Lady ButlerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon