Chapter 63:Danger hunts her

4K 91 0
                                    

Chapter 63

Vienesse POV

Sa endwhich back sa makati kami dumeretso nang matapos kaming kumain. Pumasok kami.

"Miss, may I--"natigil ang pagsasalita ko ng biglang mabasag ang salamin ng bangko.

May tatlong lalaking nakabonnet ang pumasok sa bangko at mabilis na pinagbabaril ang guwardiya.

"Hold up to! Walang kikilos ng masama"tinutukan nito ang mga tao sa bangko kasama na kami.

Pilit nila kaming pinapaluhod. Nalapitan niya ang babae sa kaha. Sinabunutan niya ito at tinutukan ng baril.

"Ano ang combination sa vault ng banko?"marahas nitong tinutukan ang babae.

Sinabi ng babae ang sagot kahit labag ito sa kalooban niya. Ang dalawang lalaki namang kasama niya ay nag silbing look out.

Lumabas ang lalaki at may dalang limang plastic ng pera. Tumunog ang serena ng pulisya.

Naalarma ang tatlo. Kumuha sila ng hostage. Tumingin ang pinuno sa paligid. Ako ang napili niya.

"Huwag kayong magpapaputok kung hindi patay ang babaeng ito"inilapit pa niya sa leeg ko ang baril.

Hindi na ako nag atubili pa. Hinatak ko pataas ang baril niya at sinipa siya ng buong lakas.

Pinaputukan ako ng mga kasamahan niya. Nailagan ko iyon. Sinuntok ko sa panga ang isa.

Naglabas ng balisong ang isa. Sumugod ako sa kanya. Inagaw ko ang balisong at tinutukan ng baril.

The police were dumbfounded. Nagulat sila sa ginawa ko. Nang makabawi agad nilang pinosasan ang ang mga magnanakaw.

"Salamat sa tulong mo Miss?"sabi ng pulis sa akin.

"Miss Adams. It's nothing"dali dali akong umalis at hinatak papunta si Klein sa sasakyan.

As much as possible, umiiwas ako sa reporters. Ayaw kong pag piyestahan nila ang ginawa ko.

Nasa kotse na kami nang tumunog ang phone ko. Nalalimutan kong patayin. Saka ko na lang ipagpapatuloy ang pag wi-withdraw.

Mula kay Zievia ang tawag. Idine-decline ko ang bawat tawag niya. Kailangang isipin niyang
galit pa rin ako.

Day 3

Nang buksan ko ang cellphone ko bumabaha na naman ng calls at text ang cellphone ko.

Tumunog ang cellphone ko. Si Zievia ang caller.

"Hello?"bungad ko sa kanya.

"Galit ka pa rin ba?"sabi ng nasa kabilang linya.

"Hindi na. Naka-inom na naman ako ng gamot at nakapagpahinga"kaswal na sabi ko.

"I need you"nakarinig ako ng ubo sa kabilang linya.

"Ha? Bakit?"tanong ko sa kanya.

"May sakit ako"umuubo siya aa kabilang linya.

"Pupuntahan kita diyan"inihanda ko na ang mga gamit ko.

"I'll be waiting"nawala siya sa kabilang linya.

Thirty minutes lang at nasa tapat na ako ng bahay niya. The gigantic apartment building stood regaly.

Nasa forbes park ang bachelor pad niya. Ilang beses kong pinindot ang bell bago may lumabas na katulong.

Pinapasok niya ako. May sariling lawn ang bahay niya at pool. I smirked at the idea the her friends made a fool of me sa swimming pool sa resort.

Halatang inaalagaan ang bahay maganda at maaliwalas ang paligid.

May malaking portrait niya ang dining room.

My Lady ButlerWhere stories live. Discover now