Chapter 94:Damsel in distress

3.4K 78 0
                                    


Klein's POV

Naabutan kong hinuhubaran niya si Vienesse. Naramdaman niya ang presensya ko kaya napalingon siya. Sinuntok ko siya sa panga.

Dumugo ang labi niya pero hindi niya ininda ang suntok ko.
"Ah....So you're the lucky guy! Hindi ko hahayaang mabawi mo siya! After this she will be mine!"sinuntok niya ako. Nabuwal ako sa sahig.

"Hindi ka mag-tatagumpay sa gusto mo!"sinipa ko siya sa tadyang. Pero parang wala lang siyang naramdamam.

Sinakal niya ako. I was hanging on the air. Malakas na ibinagsak niya ako. Naramdaman kong itinatali niya ako. Itinali niya sa pader ng hall ang magkabilang kamay at paa ko.

Nakaharap ako sa kanila na nakatali ang posisyon ko. Nasa kama pa rin si Vienesse at mahimbing ang tulog.

"Now watch me make love to her"gusto ko siyang suntukin pero nakatali ang paa at kamay ko.

Sumampa ito sa kama at hinalikan si Vienesse. Nagpupumiglas ako na makawala.

"Jealous?"pang-aasar niya sa akin. Punong puno na ako ng galit. I was full of so much rage. Naputol ang tali nang nakita kong lumalalim na ang halik.

Agad na dinamba ko siya at ginamit ang lahat ng lakas ko upang masipa siya sa sikmura. Natumba siya. Sinamantala ko iyon upang suntukin siya. Tulog na nabuwal siya sa lupa.

Nilapitan ko si Vienesse. Bumabangon ang lalaki. Nagulat ako ng magising siya at malakas na sinungaban ang lalaki upang sampalin gamit ang paa niya.

Tulog na tulog ang loko. Nanlaki ang mga mata ko sa hitsura ni Vienesse. Naka panty lang siya at bra. She was so hot.

"Thank you for saving me my prince!"niyakap ko siya.

"Kung alam ko lang kanina ka pa gising"sinimangutan ko siya.

"I just want you to save me. For 10 years ako lang talaga ang lumalaban upang iligtas ang sarili ko. I want the mere fact that I am a damsel in distress and you are my knight in shining armor"niyakap ko siya. Nakita ko siyang tumikhim.

"Lumayo ka muna. You look ravishing. Baka mapaaga ang honeymoon natin eh"napatingin siya sa sarili.

AWKWARD

Kumuha siya ng kumot at ibinalumbon sa katawan niya. Nagulat ako ng buhatin niya ako. It was a bridal style.

Tinawagan ko na rin ang security sa resort. Ipinadampot namin ni si Ivo. He will rott in jail for what he did to me.

"May regalo ako sa inyo"sabi niya sa kagigising palang na mga kaklase ko. Bagong gising rin sina Farrah at Zievia. Niyakap nila ako sa kasiyahan.

My Lady ButlerWhere stories live. Discover now