Chapter 66:All Bets are off

3.8K 89 0
                                    


Day 5
Nasa bahay lang siya dahil na-sprain siya sa pangangabayo kahapon. All of our bets are off.

May alam ako sa pagmamasahe ng sprain kaya medyo nawala ang pamamaga ng sprain niya.

Narinig kong tumunog ang door bell ng bahay. May ginagawa ang mga katulong kaya ako na ang nagbukas ng pinto.

Kartero ang bumungad sa akin. May dokumento siyang dala.

"Miss, paki pirmahan na lang"pinirmahan ko ang papel.

I opened the document. Isa iyong kasulatan na nasa pangalan ko. Chains of restaurant and malls ang ipinangalan sa akin.

May kalakip na note iyon. It said: I wish we could have dinner this sunday at Rose gardens. The address of the place and where to find it, is also written there.

Nauubos na ang pasensya ko sa secret admirer ko. Pinabalik ko ang mga damit. I have a hunch that my secret admirer and the boss of Miss Lee is the same person.

9:00 AM pa ang birthday ni Prescilla sa isang private hotel na pag mamay-ari ng daddy niya.

She wanted to apologize for what she'd done that's why she invited us to her party.

Pasado alas otso nang umalis ako. Humaharurot ako nang mapansin kong may batang biglang timawid bigla kong tinapakan ang preno.

"Damn it"nilapitan ko ang bata. Luckily she wasn't harmed. Hindi pa ako nakabihis.

Nasa bahay pa ni Valerie ang damit na susuotin ko. Naupo siya sa kalsada.

"Okay ka lang?"binuhat ko siya papunta sa kotse ko. Tumango siya. She was just five years old.

Nilapitan ako ng isang may edad na babae.

"Crassie! Saan ka ba nag sususuot? Pinag aalala mo ako"napasapo ang babae sa dibdib niya.

"Crassie pala ang pangalan mo"kinurot ko siya sa pisngi. Nakiliti siya kaya humahikgik siya.

"Salamat sa iyo Miss"sinserong sabi ng may edad na babae sa akin.

"Wala pong anuman iyon"pumasok ako sa kotse ko. I waved at them when my engine started.

9:30 na ng marating ko ang hotel.I am just fashionably late. Marami nang tao ang venue nang dumating ako.

Bumili pa kasi ako ng regalo para kay Prescilla kaya natagalan ako. It was a perfume from france.

Nilapitan ko ang grupo nina Zievia.

"I'm glad that you could come. I just want to apologize for what I did in the resort"pag amin niya sa kasalanan.

"Apology accepted. I brought you a gift"ibinigay ko sa kanya ang naka wrap na perfume sa glossy paper.

"Nag-abala ka pa"tinanggap niya ang regalo. May mga waiters na nag seserve ng drinks.

Kumuha ako ng scotch on the rocks. I have to drink like a man. Mahirap na, baka makahalata si Zievia.

I just need to relax myself. Isang baso lang naman. Pupunta ako sa rest room.

Medyo tipsy na ako kaya mali ang pintong napasukan ko. Pang babae iyon.

Nagulat si Prescilla nang makita ako sa loob ng CR.

"Pinuntahan mo ba ako rito lover boy?"ikinawit niya ang kamay niya sa leeg ko.

"Sorry but--"nagulat ako ng kabigin niya ang ulo ko at hinalikan ako. Nanigas ang panga ko.

I can still taste her lipstick.
"Ano ba Prescilla!"galit kong sabi.

Itinulak ko siya kaya napasadsad siya sa lababo. Imbes na magalit mas nilapitan niya ako.

"Mas gusto mo pala ng pisikal ah"kinabig niya ulit ako at marahas na hinalikan. Masusuka na ako sa pinag gagawa.

Hindi ako makapalag dahil dalawang kamay niya ang nakakawit sa leeg ko.
Nang makakuha ng tiyempo. Binaklas ko ang kamay niya sa leeg ko.

Saka naman kami napasukan ni Zievia.

"O Luke bakit ka nandito?"puna sa akin ni Zievia. Mukha kaming may ginagawang masama sa hitsura namin.

Magulo ang buhok ko at polo.

"I was looking for you here. I wanna ask you to dance"palusot ko. Bago ako lumabas tinignan ko muna ng matalim si Prescilla.

My Lady ButlerWhere stories live. Discover now