Chapter 5 : The Revenge Of Bobby And Ashley

34.5K 783 197
                                    

ASHLEY

"I THINK THIS is a bad idea," sabi ni Bobby habang papalapit ang sasakyan namin sa malaking bakal na gate ng warehouse kung saan ginaganap ang underground gig ng banda ni Zeke na Three Dimensional.

Sinimangutan ko si Bobby na nasa driver's seat. He was driving his latest model red Porsche. Wala pa iyong plaka at ang kintab-kintab na halos pwede ka ng manalamin doon. "'Wag ka ngang duwag, Bobby."

"Hindi ako naduduwag. I'm only concerned about your safety. Kung ako lang mag-isa, okay lang. Pero kasama kita ngayon at hindi natin alam ang papasukin natin. Ayokong mapahamak ka."

Tumingin ako sa kanya at tinaasan siya ng kilay. I heard the concern in his voice and I felt something warm in my heart.

Really.

"Bobby, if this is my plan, then it's a good idea." Itinaas-baba ko ang mga kilay ko sa papilyang paraan.

"Kaya nga, eh," sagot agad ni Bobby. "You don't even tell me what your plan is. Hindi ko alam ang partisipasyon ko-"

Tinapik-tapik ko siya. "Basta, relax ka lang," I assured him sa mayabang na tono.

Matamang tumingin si Bobby sa akin. "Gracie, I don't want you to get hurt just because we want to get even with Zeke. Hindi naman din natin kailangang gumanti sa kanya, in the first place. And besides, this is my fight. I don't want you to get involved."

There was this feeling of warm hands touching my heart. Again.

Duh. Bakit ba nagiging pamilyar iyon sa akin sa tuwing nagpapakita si Bobby ng concern sa akin?

Bobby was so gentleman, kind and noble. His parents raised him well. At hindi ko alam kung maiinis ako o matutuwa ako sa ugali niyang iyon. "Bobby, ginawa ko ng laban ko rin ang laban mo kay Zeke. Magkakampi tayo rito."

Tiningnan ako ni Bobby ng diretso sa mga mata. I raised my chin defiantly and met his gaze head on. Then he sighed. "Dalawang beses mo na akong nauuto, Ashley Grace," resigned niyang sabi.

With fondness in his voice. What the heck?

Napangiti ako sa sinabi niya. "At marami pang kasunod 'yan, Bobby Gallego."

He rolled his eyes on me and shook his head. "Baka mamaya may dala kang deadly weapon, ha?" he teased but I can hear the seriousness in his words.

I put on my bitch-face. "What do you think?"

"Ashley Grace..." saway mi Bobby.

Natatawang pinalo ko siya sa braso. "Wala!" sabi ko. Binuksan ko ang sling bag ko at kinuha ang isang tansan mula roon. Ipinakita ko iyon kay Bobby. "This is my only weapon and it's not even deadly."

Ilang segundong nakatingin lang si Bobby sa akin. His dreamy eyes bored into mine. Parang alam na niya kung saan ko gagamitin ang tansan. He gave me his smiley grin. "Bad," he said then he tsked.

I smirked. "You have no idea." Inginuso ko ang gate na bakal na nasa harapan namin. "Sige na, bumusina ka na," utos ko.

Ang venue ng underground gig ng bandang Three Dimensional ay sa isang malaki at malawak pero lumang warehouse daw in an industrial area in Quezon City. I got the information from Lana, a member of It Girls, whose friend happened to be a fan of Three Dimensional and a frequent at the band's gigs. Ang kaibigang ito rin ni Lana ang nagsabi kung ano ang password na sasabihin para makapasok kami.

At ang password ay nagpapalit kada gig at venue. Para makaiwas sa raid. Athough alam ko namang sa dami ng mga anak-mayayaman na pumupunta sa gig, walang raid na magaganap. Mukhang maiimpluwensya ang mga miyembro ng banda kaya nagagawa nila ang gusto nila.

My Make-Believe Boyfriend              College Hottie Series : Bobby and AshleyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon