Special Chapter 4 : The Text Message From Kate Mercado

10.8K 243 33
                                    

ASHLEY

I CAN’T BELIEVE all of you did it!” malakas ang tinig na sabi ni Miranda. Iiling-iling na napahipo pa siya sa noo habang nililibot lahat kami ng tingin.

Nagkatinginan kami nina Stasha at Jorj habang kagat-kagat naming ang ibabang labi.  Inaasahan na namin ang reaksyong ito mula kay Miranda.

Dahil hindi namin kayang maglihim nang matagal kay Miranda, nag-decide kaming tatlo na sabihin sa kanya ang tungkol sa ginawa namin kay Zeke.

And knowing Miranda, ano pa ba ang magiging reaksyon niya kundi ito?

Agad ay pinapunta niya kaming lahat na involved sa bahay nila.

Magkatabi kaming nakatayo ni Bobby sa favorite spot namin sa bahay nina Miranda. Sina Jacob, Lance, Lucas at Stasha ay magkakatabing nakaupo sa mahabang sofa. Samantalang sina Alfred, Andrew at Ryan ay nakatayo sa likuran ng kinauupuan ng apat. Sina Tres at Jorj ay nasa isang gilid namin ni Bobby.

Nakaharap sa amin si Miranda habang para kaming mga batang sinesermunan.

“Ayan na, simula na ng sermon. Patay tayong lahat,” bulong ni Bobby sa tenga ko at pagkatapos ay hinalikan ako sa sentido. He was backhugging me.

Tiningala ko siya Bobby at napangiti.

“Grabe kayo!” ani Miranda sa mataas na tinig. “Hindi ninyo iyon dapat na ginawa! Paano kung magsumbong si Zeke?” nandidilat ang mga matang sabi niya.

This was indeed a very rare moment na masyadong mataas ang boses ni Miranda. She was very frantic na panay ang iling ng ulo at suklay sa buhok at pagkatapos ay maglalabas ng isang malalim na buntong-hininga at titingnan kaming lahat na para bang disappointed siya sa amin.

Sa nakikita kong reaksyon ni Miranda, nagi-guilty ako. At alam kong ganoon din ang feeling nina Stasha at Jorj. Pareho silang nakayuko at hindi makatingin nang diretso kay Miranda.

Hindi kami takot sa galit ni Miranda kasi alam naman naming hindi siya nagtatanim ng galit. Mas natatakot kami sa guilt na nararamdaman namin.

Tumingin si Miranda kina Lance at Lucas. “At kayong dalawa, hindi ako makapaniwalang kasama kayong dalawa.” Naglabas siya ng isang malalim na buntong-hininga. “Maiintindihan ko pang magagawa nila ito dahil may kapilyuhan sila,” dagdag niya na ang tinutukoy ay ang natitirang mga lalaki, kasama ang boyfriend niyang si Jacob.

“Wait, bakit nadamay ako sa mga pilyo? Good boy ako, ah?” kontra ni Andrew.

Nameywang si Miranda at poker-face na tumingin kay Andrew. Like, she did not believe what Andrew had said. Lihim akong napangiti at agad akong yumuko para itago iyon.

Exaggerated na lumabi si Andrew, showing his cute dimples. “Sabi ko nga kasama ako sa mga pilyo… Miranda Girl, I’m hurt. Kasi hindi ako pilyo. I’m just your… Handsome Andrew Boy, ” aniya habang madramang naglulungkot-lungkutan.

Miranda just rolled her eyeballs at pagkatapos ay hinarap nito sina Lucas at Lance. “Pero kayong dalawa? You always set a good example. You always follow the rules. Pero anong nangyari at sumama kayo?”

“Lucas approved the logistics and the plan,” panggagatong pa ni Jacob na may pigil na ngiti sa labi.

Pinandilatan ni Lucas si Cobi sa pagsusumbong nito. Then he mouthed ‘damn you’.

Gusto naming lahat na humagalpak ng tawa. I heard Bobby laughed quietly.

Nilingon ko si Bobby. “Ang bad ng best friend mo,” nangingiting bulong ko.

My Make-Believe Boyfriend              College Hottie Series : Bobby and AshleyWhere stories live. Discover now