Chapter 19 : Happy Birthday, Ashley Grace

36.8K 633 78
                                    

ASHLEY

"TALAGA BANG GANITO?" bulong na tanong ko kay Bobby matapos kong tumingin sa relo ko.

"Ang alin?" balik-bulong niya sa tenga ko.

Nakaupo kami sa likuran ng magkatabing pang-isahang sofa gamit ang dining chairs. Sina Jacob at Miranda ang nakaupo sa sofa. Samantalang sina Tres at Jorj ay magkatabing nakaupo sa bandang dining area. Sina Lucas at Stasha naman ay sa pandalawahang sofa magkatabing nakaupo.

And I thought it was always like that.

Kaya kami ni Bobby ay humanap ng spot namin sa likuran ng magkatabing pang-isahang sofa. Na kung madadalas ang punta namin dito, ito na ang magiging spot namin kapag naguusap-usap kami.

Sapat lang ang laki ng bahay nina Miranda para ma-accommodate lahat kami, lalo na ang apat na matatangkad na lalaki.

Tumingin ako ulit sa relo ko. It was quarter to twelve midnight. "'Yung inaabot kayo ng ganito ka-late sa bahay nina Miranda," bulong ko sa tenga niya. Nagkukuwento kasi si Miranda at ayokong maka-distract kami.

Napangiti si Bobby. Inilapit niya ang tenga sa bibig ko. His breath fanning my ears was a little sensual to me. "Yeah. Wala namang pasok si Miranda bukas. Kami lang naman nina Cobi, Tres at Jorj ang may pasok kapag sabado pero bandang tanghali na so, okay lang. Lucas and Stasha have their immersion on Saturdays pero pwede naman silang magpunta sa hapon."

Tumango lang ako. It was fun having them around. Like right now.

Masaya silang kasama. Si Lucas na akala ko ay seryoso ay mabiro rin pala. Nahawa na siguro kay Tres.

Lalo na nang dumating si Marlon na kababata ni Miranda na may gusto rito na talaga namang pinagseselosan pala ng husto ni Jacob. Asar-talo kanina si Jacob. Nagsalubong talaga ang mga kilay pagkakita pa lang kay Marlon.

Maski nga ako ay naki-ride sa pang-aasar nang sabihin kong cute si Marlon, na sa totoo lang ay cute namang talaga. But well, Jacob was a lot cuter.

Ang saya lang. Especially para sa birthday ko.

Kahit hindi nila alam na birthday ko bukas, okay lang. Alam kong alam ni Stasha pero parang walang inclination na naaalala niya. But it was okay.

My birthday did not matter. Lilipas din ito. For the past years, sa tuwing sasapit ang birthday ko, lagi akong umiiyak o nahi-hurt. Maybe intentionally or not.

Auntie Maris would deliberately make sure na out of town sila kapag birthday ko. Para hindi ako mabati ni Dad personally. Or makalimutan akong batiin.

My mom, maybe, unintentionally forget my birthday lalo pa at depressed dahil walang lovelife o dahil minsan sobra sa lovelife. Ganoon din si Tita Liezel, minsan lalo na kapag nariyan ang boyfriend niya.

I would always be bitter about it. Iyong thought na walang nakakaalala. Pero sanay na ako roon.

Ngayon ay masaya ako at wala ng bitterness sa puso ko. As long as Bobby was with me and beside me. My boyfriend for real. I couldn't ask for more.

Malakas na tumikhim si Jorj. "Kanina pa kayong dalawa na bulungan ng bulungan. 'Yan ba ang hindi 'kayo'?" she teased.

Wala na siyang ginawa kanina pa pagbalik namin mula sa convenience store kundi ang tuksuhin kami ni Bobby. Lalo pa at very attentive si Bobby sa akin. At touchy feely kami sa isa't-isa.

Nagtawanan sila. Nakaramdam ako ng pag-iinit ng magkabilang-pisngi ko. Bobby squezeed my hand and gave me his handsome smiley grin.

"Umamin na kasi!" nandidilat ang mga matang sabi ni Jorj.

My Make-Believe Boyfriend              College Hottie Series : Bobby and AshleyWhere stories live. Discover now