Chapter 54 : The Roaring Lion's Sexy Pose

19.5K 441 156
                                    

Hi to Khryzz Mar Catalonia. Thanks for loving Robert Aldus Gallego ❤

*******************************

ASHLEY

YEAH, I WAS that girl. Lucky girl for having Robert Aldus in my life.

I cupped his face and kissed him full on the lips. He responded so ardently.

But somehow, the thought of Kate still lingered in my mind.

Kabisado ko ang galawang Kate Mercado. Iyong pa-damsel in distress. Iyong mahinhin at paawa, lalo na ngayon sa sitwasyon niya.

Kabisadong-kabisado ko ang galawang Kate Mercado.

And fuck, this was just day one.

Bumuntong-hininga ako para alisin ang namumuong inis sa dibdib ko para kay Kate.

'Tang 'na! Ayoko na ngang isipin ang bruhang Kate na iyon.

Mamatay na lang siya sa inggit dahil ako ang kayakap ngayon ni Aldus at siya ay naroroon sa hospital at nagpapagaling ng mga pasa niya galing sa boyfriend niyang dyombagero.

Basta ako ay masaya kay Robert Aldus ko.

Umupo ako sa tabi ni Bobby at humilig ako sa dibdib niya. Iniyakap naman niya ang braso sa balikat ko.

Nilibot ko ng tingin ang buong paligid ng vacant lot. "Naisama ka na ni Andrew rito?" curious kong tanong bilang pag-iiba sa usapan namin.

"The whole team, actually--minus the coaches," sagot ni Bobby na nakuha ang kagustuhan kong baguhin ang topic namin bago pa ako tuluyan lamunin ng inis para sa bruhang si Kate.

"Anong ginawa n'yo?"

Bobby shrugged his shoulders. "Wala lang. Nagkayayaan lang. Sinabon kasi kami ni Coach n'ung araw na 'yun sa practice. Dito kami nagbanlaw. We brought food and beer here. Nagtayo kami ng dalawang malaking tent."

Hindi na ako nagtatakang nagkasya ang sasakyan nilang labindalawa rito. Masyado naman kasi talagang malaki ang lote.

Bahagya ko siyang nilingon. "Just the team? No girls?" I asked, arching one eyebrow.

"No girls," tumatangung sabi ni Bobby. "At isa pa, break na kami ni Kate n'un." He smiley grinned. "Pero may isang maganda at mataray na babaeng nagpapansin na sa akin n'un. Nagte-text sa akin. Nagpapapansin." He wiggled his eyebrows playfully. His dreamy eyes twinkling with amusement.

Alam kong ako ang tinutukoy niya.

I blushed. Matapos kasi siyang magpunta sa bahay namin at mag-sorry dahil sa insidente namin sa loob ng motel ay feeling ko ay okay na kami. Nagtagal nga siya ng hanggang alas onse ng gabi sa bahay namin.

Nagkuwentuhan lang kami ng kung anu-ano tungkol sa buhay niya--mostly sa buhay niya dahil ayokong magkuwento tungkol sa buhay ko.

Ako pa nga ang nanghingi ng cellphone number niya bago siya umalis pero sa pataray na paraan.

Ang katwiran ko ay ite-text ko siya kapag nakabuo na ako ng plano tungkol sa paghihiganti namin kay Zeke. Bagay na tinawanan lang niya at akala niya ay hindi ako seryoso.

Totoo namang ako ang naunang nag-text sa kanya pagkatapos ng dalawang araw. Sinabi ko lang na nakakuha na ako ng schedule ng underground gig ng banda ng Three Dimensional mula sa isang kakilala sa HFU.

And that was it. Pero siya itong reply ng reply.

Napaawang ang bibig ko sa sinabi niya. Pagkatapos ay pinandilatan ko siya. Tumayo ako at nameywang sa harapan niya. "Excuseee meee, Robert Aldus!" mataray kong sabi habang nakaarko ang isang kilay ko. "Hindi ako nagpapapansin sa 'yo. Bakit ko naman gagawin 'yun sa isang asshole, jerk at pervert na tulad mo?--"

My Make-Believe Boyfriend              College Hottie Series : Bobby and AshleyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon