Special Chapter 35 : Kiss Patty's Feet

7.1K 316 154
                                    

Belated Happy Birthday to @randyluta (April 24, tama ba?). Maraming salamat sa pag-support kina Aldus at Gracie ❤ -- Dyosa

**************************
ASHLEY

GUSTO RAW PO kayong makausap ni Ma’am Patty…” magalang na sabi ng lalaki matapos kong ibaba ang bintana ng kotse.

Itinuro niya ang isang modelong silver Mercedes Benz na nakahinto sa hindi kalayuan.

The nerve of Patty Rivera!

Hindi na talaga tinatalaban ng hiya ang bruhang si Fatima Rivera. Sukat ba namang dayuhin na ako rito sa teritoryo ko?

Who does she think she is? Huwag niyang ipinagmamalaki ang mga lawyers niyang daddy, mommy at kuya.

Baka hindi niya alam kung sino ang binabangga niya. Wala man akong maimpluwensyang pamilya, meron akong mga maiimpluwensyang mga kaibigan na alam kong handang tumulong sa sandaling hingin ko ang tulong nila.

Sino ba ang isang Patty Riverra at ang buo niyang pamilya kumpara sa pamilya ng mga kaibigan ko? Sa pamilya ng boyfriend ko?

Kaya hindi dapat inuubos ni Patty ang pasensya ko.
Dahil pagsisisihan niya ang araw na nakilala niya ako.

Itinabi ko ang sasakyan ko sa tapat ng isang bakanteng loteng hindi kalayuan sa amin. Pero alam kong merong CCTV cameras sa labas ng magkabilang-bahay ng bakanteng loteng tinapatan ko. Ano at ano man ang mangyari o gawin sa akin ni Patty, at least may ebidensya ako.

Hindi lang siya ang marunong gumawa ng ebidensya ngayon. Pasensya siya, binigyan niya ako ng ideya kung paano ang galawan ng isang tulad niya.

Galawang mga traydor!

Kinuha ko ang cellphone ko ang t-in-ext si Miranda.

Kung sakaling merong masamang mangyari sa akin, si Fatima “Patty” Rivera na classmate ni Bobby sa med school ang huli kong kasama.

Alam kong ang morbid ng text ko. Pero gusto ko lang makasigurado.

Baka gawan ako ng hindi maganda ni Patty. Kidnap-in ako. Or worst, patayin ako.

Nakaramdam ako ng takot. Hindi imposible. Pero ayokong ipakita sa kanyang natatakot ako. Dahil kapag nagpakita ka ng takot sa kaaway mo, lalo ka nilang ibu-bully.

Nang ma-i-send ko ang text message ko kay Miranda ay lalong umatake ang kaba ko lalo pa at nakita ko ang lalaki na papalapit na sa akin.

Huwag lang masyadong mayabang si Patty. Kaya kong protektahan ang sarili ko.

Kaya ng mga babae sa gang na protektahan ang sarili namin sa ganitong pagkakataon.

Jacob Maravilla made sure of that. And he got the nods of Lucas, Tres and Bobby.

Dahil bilang girlfriend daw kami ng mga lalaking kilala ang pamilya, dapat lang daw na kaya naming protektahan ang mga sarili namin.

He enrolled the four of us in a self-defense class in Makati. Kilala niya ang may-ari. Produkto siya at ang mga kapatid at pinsan niya ng self-defense classes doon.

Kailangan nila bilang kilala silang apo ni Fernando Santelices.

Every Sunday ang klase namin sa umaga na tumagal ng halos tatlong buwan. Stasha and Miranda were not that interested, bilang si Stasha ay maarte at si Miranda ay laging natatakot.
Pero ako at si Jorj ay interesado.

Susunod nga namin sanang lesson ay shooting. Ayaw na nina Stasha at Miranda. Pero kami ni Jorj ay yes na yes. Kaya lang ay nagkaaberya dahil umalis si Tres at doon nakatuon ang atensyon ng buong gang, lalo na ni Cobi.

My Make-Believe Boyfriend              College Hottie Series : Bobby and AshleyWhere stories live. Discover now