Chapter 33 : Kiss And Make Up

29.2K 508 112
                                    

ASHLEY

PINAGTAASAN KO LANG si Bobby ng kilay. "No. Not this time, Bobby Gallego. Ayoko munang makipag-usap sa 'yo. Umalis ka na. Umuwi ka na," pagtataboy ko sa kanya.

At pagkatapos ay walang lingun-lingon akong pumasok ng gate.

"Okay, fine!" sabi ni Bobby. Halata ko ang iritasyon sa boses niya kaya naman napalingon ako.

He met my gaze. His stare was cold. Parang nagpipigil ng inis. "If that's what you want..." I saw him clenched his jaw. "Then so be it."

I was taken aback. Nagulat ako sa tonong ginamit niya sa akin.

It was with a hint of a challenge. Naghahamon.

And it was a first since we started our relationship-official or not. Ngayon lang ako ginamitan ng ganitong tono ni Bobby.

Pagkatapos ay walang salitang tinalikuran ako.

Nakita kong parang frustrated na napasuklay sa buhok si Bobby bago sumakay sa kotse niya at pagkatapos ay pinagrebolusyon nang malakas ang makina bago ito pinaharurot.

Ang pagkagulat ko sa sinabi niya ay napalitan ng takot.

So be it?

Was he breaking up with me? 'Tang 'na!

Ang takot na naramdaman ko ay napalitan ng iritasyon. Fine. So be it.

Ano ngayon kung makipag-break siya? Eh, 'di break kung break. Sino ba ang tinakot niya? Ang daming lalaki r'yan. Huwag niya akong tatakutin. Kayang-kaya ko siyang palitan agad.

Pero nag-iisa ang Robert Aldus mo, Ashley Grace, singit ng mahadera kong sub-conscious mind.

Pabalibag kong ibinato ang shoulder bag ko sa sofa nang makapasok ako. Pagkatapos ay naiiritang umupo at humalukipkip. Mabuti na lang at nasa kuwarto niya si Tita Liezel.

"Fuck you, Aldus!" nanggigigil kong sabi sa sarili. "Fuck you! Fuck you!" I was clenching my hand sa sobrang panggigigil.

Hindi pa ako nagkasya roon, kinuha ko ang cellphone ko at dinuro-duro ang mukha niya na siyang wallpaper ko sa cellphone.

Ang gwapo-gwapo pa naman ng pagkaka-smiley grin niya habang naka-cross ang magkabilang braso sa dibdib. He was wearing his HFU Roaring Lions jersey. Picture niya iyon sa inilabas na photoshoot nila para sa isang sports magazine.

"Asshole!" malakas kong sabi habang dinuduro ang mukha niya sa cellphone ko. "Makikipag-break ka na?" Parang baliw na kinakausap ko ang picture niya sa cellphone ko. "Eh, 'di, sige. Break kung break."

Nang magsawa ako sa kaduduro sa mukha niya ay ibinalibag ko ang cellphone ko sa sofa at naiiritang napahilamos sa mukha.

Walang basehan ang pagseselos ni Bobby kay Akki Eliseo. I was not even fucking flirting with the guy. Magselos siya kung nakita niyang nakipaglandian ako kay Akki, pasimple man o hantaran. Pero wala akong ginawang masama. Akki was just being nice and I was just returning back the favor.

Pero ang pagkumpara niya sa akin sa bitch niyang ex-girlfriend ay nakakairita to the highest level. Hindi kami magkatulad ng bruhang Kate n iyon. Hindi ko gawain ang mang-two time. Hindi tulad ng ex-girlfriend niyang bitch.

"Arrghh!" I muttered and put my palm on my face out of frustration. Pagkatapos ay sinabunutan ko pa ang sarili ko. Kaysa makapagbato ako ng mga figurine display ni Tita Liezel ay sasabunutan ko na lang ang sarili ko.

My Make-Believe Boyfriend              College Hottie Series : Bobby and AshleyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon