Special Chapter 23 : Where The Hell Is Robert Aldus Gallego?

9.4K 315 330
                                    

Hey, it's still the Love Month, right? HAPPY VALENTINE'S DAY! Thank you for patiently waiting ❤ -- Dyosa

**************************
ASHLEY

WHAT DO YOU mean you don’t know where he is?” I asked exasperatedly.

No.

To say exasperatedly was an understatement.

I was fuckingly frustrated and hysterical!

Walang sumagot sa kanila. Cobi was poker-faced. Expressionless.
Pero alam kong may itinatago siya. At alam kong galit siya sa akin.

Everybody hated me now. Fuck shit!

Just like the old times. Fuck shit again!

“Where the hell is he?!” sigaw ko.

“I don’t know--“

Fuck you, Cobi!” I cut him off angrily. Dinuro ko siya. Nanginginig ang buong kalamnan ko sa frustration. “Imposibleng hindi mo alam!”

“Words, Ashley Grace…” malumanay na saway sa akin ni Miranda at humarang siya sa pagitan namin ni Jacob na para bang handa niyang saluhin ang lahat ng galit na ibabato ko sa boyfriend niya.

“Sinungaling ‘yang boyfriend mo!” hysterical kong sabi.
Pagkatapos ay para akong nanghihinang napaupo sa sofa.

Naitakip ko ang mga palad ko sa mukha I wanted to cry pero pinipigilan ko.

Crying was only for the weak.

Hindi ko dapat ipakita sa kanila na gusto ko nang maglupasay dahil sa sobrang desperation na makita si Bobby, sobrang frustration at sobrang pag-aalala sa sitwasyong kinasusuungan ko.

Fuck shit, kahapon pa nawawala si Robert Aldus ko. At walang makapagsabi kung nasaan siya.

“Bakit ba ayaw ninyong sabihin sa akin kung nasaan si Bobby?” Pumiyok ang boses ko. But I kept a straight face.

My bitch face. Even if my heart was bleeding.

Walls, again, Ashley Grace?

Walang sumagot ni isa sa kanila.
Si Stasha at Jorj ay nagkatinginan lang. Tumayo si Jorj mula sa kinauupuan niya at humarap sa bintana. Nakita kong makailang ulit siyang naglabas ng buntong-hininga.

Si Miranda ay nagpapasaklolong tumingin kay Cobi. But Cobi just remained passively silent. And he was just expressionlessly looking directly to my eyes.

Tumatagos ang tingin niya sa akin na para bang isa lang akong kaluluwa. Na para bang kahit na ibitin siya nang patiwarik ay hinding-hindi niya sasabihin kung nasaan si Bobby.

“Bakit ayaw ninyong sabihin sa akin kung nasaan si Bobby!” sigaw ko. “Damn you all!” I cursed habang isa-isa ko silang dinuduro. “Damn you!”

“Dahil mali ang ginawa mo!” galit na sigaw ni Jorj sa akin. “Mali ang ginawa mo na sumama kang nakipag-date sa iba gayong may boyfriend ka na. Alam mo ba kung gaano kasakit ‘yun para kay Bobby, Ashley?” Her eyes were full of sadness. She was on the verge of tears. “Sobrang sakit! Sobra-sobrang sakit na makitang may ibang kasama ang taong mahal mo…”

Napalunok ako. Dama ko ang hinanakit sa puso niya. At alam kong hindi ito para sa akin. Alam kong may ibang pinatutungkulan si Jorj dito.

Si Tres Esquivel. Ang boyfriend niyang umalis nang walang paalam.

“We just had coffee because it was his fucking birthday!” frustrated kong sigaw.

Ilang beses ko bang kailangang i-explain ang sarili ko? Ilang beses ko bang kailangang ipatangggol ang ginawa kong pagsama kay Rome?

My Make-Believe Boyfriend              College Hottie Series : Bobby and AshleyWhere stories live. Discover now