Chapter 51 : Brokenhearted Bobby

18K 429 209
                                    

BOBBY

"WHAT?! YOU WENT with Lorna and John to that underground gig?" nandidilat ang mga matang sabi ko kay Kate.

We were at Kate's house. Ang mommy niyang si Tita Elvie ay nasa kusina at naghahanda ng dinner. Nasa itaas naman ang daddy niyang si Tito Dindo samantalang ang kapatid niyang si Kuya Kelvin ay wala pa sa bahay.

Sinimangutan ako ni Kate. "Hinaan mo nga 'yang boses mo. Baka akala ni Mommy nag-aaway tayo. Ako na naman ang pagagalitan niya. Lagi naman akong pinagagalitan ni Mommy kapag may misunderstanding tayo. Para bang ako na lang lagi ang may kasalanan," nagmamaktol niyang sabi habang nakasandal sa backrest ng couch at nakahalukipkip.

Napakamot ako sa likod ng ulo ko. Hindi naman sa pagyayabang pero lagi namang si Kate talaga ang pinagmumulan ng misunderstanding namin.

Dahil ako, sa loob ng dalawang taong pagiging mag-boyfriend namin ay ginagawa ko ang lahat ng makakaya ko para lang sumaya si Kate sa piling ko. Para lang hindi kami mag-away.

Para lang lagi kaming masaya.

Hindi ko gawain ang mang-away ng girlfriend. Mahaba ang pasensya ko.

Maski paano ay nahiya ako sa sinabi ni Kate. Sa tuwina kasi na may misunderstanding kami ni Kate, laging siya ang pinagsasabihan ni Tita Elvie.

At pagkatapos ay ito ang hihingi ng paumanhin para kay Kate.

Alam rin naman niya ang ugali ni Kate. She could be a brat sometimes. Palibhasa ay spoiled dahil bunso.

Napahilamos ako sa mukha at napasuklay sa buhok. Pagkatapos kong maglabas ng isang malalim na buntong-hininga ay mataman akong tumingin kay Kate. Her eyes were directed towards her front.

Hindi sa akin. Ayaw niya akong tingnan.

"Why did you go out with Lorna and John to that underground gig?" ulit kong tanong sa mahina at kalmadong tinig. "Alam mo ba kung gaano kadelikado roon? And that gig is full of drugs and shit, alam mo 'yan." My voice was reprimanding.

Para siyang isang nakababatang kapatid na pinagagalitan ko gayong magkasing-edad lang naman kami.

Pairap na tumingin sa akin si Kate at pagkatapos ay ibinalik muli ang tingin sa harapan niya.

Anywhere but me.

"Hindi siya delikado, Bobby," sabi niya habang salubong ang mga kilay. "May nangyari bang masama sa akin sa pagpunta ko roon kagabi? Wala naman, ah. And besides, it was fun there. Sobrang saya. You can be your own self there."

"Kate, their idea of fun is not our idea of fun," I told her, sa nagpapaintinding tinig. "And besides, are you not being yourself when you're with me?"

Kinuha ko ang kamay niya pero hindi niya ibinigay sa akin. She kept her arms crossed over her chest.

"And what is your idea of fun, Bobby? Iyong manood tayo ng sine? Iyong kumain tayo sa labas? Iyong manood ako ng practice mo? Iyong manood ako ng laro mo?" May iritasyon sa tinig niya.

Bumuntong-hininga ulit ako at napakamot sa likod ng ulo. "Yes," walang gatol kong sagot. "And we've been doing those things for the last two years."

"Just okay but not having fun!" malakas ang boses na sabi niya.

"Hey, sabi mo hinaan ko ang boses ko , 'di ba? Bakit ikaw ngayon ang nagtataas ng boses?" I asked calmly. Tumingin ako sa direksyon papuntang dining area. Hindi pa naman lumalabas mula roon si Tita Elvie para silipin kami.

My Make-Believe Boyfriend              College Hottie Series : Bobby and AshleyWhere stories live. Discover now