Special Chapter 12 : How Ashley Grace Met Rome Del Mundo

7.9K 200 54
                                    

ASHLEY

SEVEN YEARS AGO

THIS PARTY IS full of shit, sabi ko sa isip.

It was true. The party was full of shit. Nagsisisi tuloy ako kung bakit sumabit-sabit pa ako kina Joan at sa boyfriend niyang 'matanda' na.

Joan was my classmate and we were in our freshman year in high school. Ang eighteen years old at nasa kolehiyo niyang boyfriend na si Sherwin ang nang-imbita sa amin sa party na ito na puro ‘matatanda’ na katulad ni Sherwin ang dumalo.

Hindi ko gusto ang ganitong klase ng party. Medyo nakakatakot para sa isang first year high school na tulad ko.

Tipong wild na ginanap sa isang mansyon ng kaibigan ng kakilala ni Sherwin. Nasa abroad ang mga magulang kaya nagawang magpa-party.

Pero nag-decide akong sumama dahil ayoko pang umuwi sa bahay namin. Ang lasing na mommy ko na naman ang madadatnan ko sa bahay.

Nagpakalasing si mommy dahil nag-away na naman sila ni daddy dahil sa isang pangakong hindi na naman nagawang tuparin ni daddy.

It was always like that in my life. A bad and shitty cycle.

Mga pangakong hindi natutupad. Sanay na ako roon. Pero minsan, gaano ko isiksik sa utak ko na sanay na ako, may mga pagkakataong naapektuhan ako.

Kaya kaysa maapektuhan ako sa lasing na nanay na madadatnan ko sa bahay, sumama na lang ako kina Joan at Sherwin. Malamang ay hindi ako magawang mahanap ni Mommy dahil sa kalasingan. She would not even know if I got home safely from school or not.

Hindi ko na makita sina Joan at Sherwin kanina pa. Baka tulad ng ibang mga couple ay naghahalikan na rin sila sa mga gilid-gilid ng nakapalaking mansyon kaya hindi ko mahanap.

Joan was wild and would want to try new things. Katulad na lang ng pakikipag-boyfriend sa isang college student na tulad ni Sherwin. Gusto ko ring gayahin si Joan kasi mukhang masaya siya sa ginagawa niya. Gusto ko ring sumaya katulad niya para malimutan ang mga problema sa bahay.

Pero may kung anong pumipigil sa akin. Saka wala akong makitang cute o kaya ay gwapo na papasa sa standards ko ng cute at gwapo. Baka hindi ko pa name-meet. O baka nariyan lang sa tabi-tabi at may kasamang girlfriend.

Luminga-linga ako sa maingay na paligid. Ingay na kung hindi galing sa malakas na tugtog ay galing naman sa sigawan ng mga dumalo. Binitiwan ko ang basong hawak ko na nang matikman ko ang laman ay pineapple juice na may halong alak. Ayokong malasing. Hindi naman kaila sa akin ang mga nangyayari sa mga kabataang babaeng nari-rape dahil sa sobrang kalasingan.

Hindi ko gustong maging ganoon ang kapalaran ko dahil lang may pagrerebelde akong nararamdaman sa dibdib ko.

Lumabas ako sa garden. Doon ay mas konti ang tao. Mas maraming tao sa pool area dahil naroroon ang mga tugtugan, pagkain at alak. Then my eyes caught something. A pair of hooded eyes. Eyelids shrunk and looked like drowsy.

Eyes like that of Robert Pattinson from the movie Twilight.

The owner of those hooded eyes was a guy with long hair and a stubbled chin that made him look so rugged. Nakaupo siya sa damuhan. Ang mga braso ay nakapatong sa magkabilang-tuhod habang may nakaipit na sigarilyo sa gitna ng mga daliri. Sa tabi niya ay ang bote ng beer. He was alone.

He was cute--in my standards, alright. Ruggedly cute. Maduming tingnan dahil may mahabang hanggang-balikat na buhok, stubbled chin na parang kinatamarang mag-ahit ngayong araw at may malaking tattoo sa braso. Pero siya iyong tipong kahit ganoon ay may angas. Parang ang lakas ng confidence sa sarili. He was wearing an all black attire--plain black t-shirt, black maong jeans at black sneakers.

My Make-Believe Boyfriend              College Hottie Series : Bobby and AshleyWhere stories live. Discover now