Special Chapter 3 : The Revenge of Ashley, Bobby And The Whole Gang

12.6K 267 62
                                    

BOBBY
  
“HI, BUBBA...”

PUCHA.

Kahit na hindi ko siya lingunin, alam na alam kong kung sino siya.

Siya lang naman kasi ang tumatawag ng ‘Bubba’ sa akin maliban sa mga pamangkin ko.

Kate Mercado.

My ex-girlfriend who dumped me for an exciting bandista named Zeke.

Kailan ko ba huling nakita si Kate? More than a month ago? I cannot remember. Basta simula nang pag-awayan namin siya ni Gracie ko na halos humantong sa pakikipag-break ni Gracie ko sa akin at sa paglalayas niya ay tinigilan ko na ang pagdalaw kay Kate.

Kinausap ko na nang masinsinan sina Tita Elvie, Tito Dindo at Kuya Kelvin para sabihing iiwasan ko na muna ang makipagkita kay Kate dahil hindi nagugustuhan ng girlfriend ko.

And I suggested that Kate should see a psychiatrist to help her deal with her traumatic experience with Zeke.

But I promised that I will never cut the connections with them at makikibalita pa rin ako sa mga nangyayari kay Kate and how she was coping with the trauma.

After all, naging parte si Kate ng buhay ko. I had two happy years with her. Hindi ko iyon pwedeng balewalain.

Pero hindi ko rin naman pwedeng balewalain ang damdamin ni Gracie ko pagdating kay Kate. Mas mahalaga si Gracie ko.

Pinakamahalaga si Gracie ko sa akin.

Kaya importanteng pahalagahan ko ang kung ano ang nararamdaman niya sa mga bagay na may kaugnayan kay Kate.

“Hi, my Bubba...” ulit na tawag ni Kate sa akin nang hindi ako lumingon. Nagkunwari kasi akong hindi ko siya narinig at kunwari ay busy sa pakikipag-text.

Hinihintay ko kasing lumabas mula sa huling klase niya si Ashley. Tapos na ang huling klase ko at usapan naming dito kami sa tambayan magkikita para maihatid ko siya sa bahay pagkatapos.

I let out a long sigh.

Brace yourself, Gallego, sabi ko sa sarili.

Dahil alam kong malilintikan ako sa aking si Gracie kapag nalaman niyang may ganitong eksena.

Pucha. Mayayari talaga ako nito.

Nag-paste ako ng isang ngiti sa labi bago humarap kay Kate. Ayoko naman siyang bastusin. Wala naman siyang ginagawang masama kundi ang batiin at kausapin ako.

No flirting at all.

Tinawag ka niyang ‘My Bubba’, Gallego, tila paalala ng isang pasaway na parte ng utak ko.

Was it considered fliting?

Hindi naman siguro.

Huwag naman. Patay ako talaga nito sa Gracie ko.

“Hi, Kate. Kumusta ka na?” I casually asked, leaving some good distance from her.

May ilang mga estudyante ang dumararaan at napapalingon sa amin.

At tiyak kong makakarating na ang balitang ito kay Ashlye Grace ko.

Patay kang bata ka sa girlfriend mong mataray, Gallego, pananakot ng pasaway kong utak.

Kate smiled, a little shyly. The smile she used to have. The kind of smile she used to give me.

The prim and proper smile.

Lumakad siya palapit sa akin at agad naman akong umatras palayo sa kanya.

Keeping some good distance away from her.

My Make-Believe Boyfriend              College Hottie Series : Bobby and AshleyWhere stories live. Discover now