Chapter 31 : The Acceptance And The Magic Kiss

29.8K 527 110
                                    


ASHLEY

"I LOVE YOU," mahina kong sabi. Halos walang sound.

Niyakap ako ni Bobby ng mahigpit at hinalikan ako sa sentido. "And I love you more. You may be imperfect as you always claim you are, but you are perfect for me. You are my perfect imperfection, my Gracie. You are. Please remember that," masuyo niyang bulong at niyakap ako ng mahigpit na mahigpit.

Never wanting to let me go.

Napahikbi ako. Hindi ko na napigilan na lumabas iyon sa labi ko. "Fuck shit naman, Robert Aldus, eh," mahina kong sabi. "Pinaiiyak mo ako..."

He chuckled. "Mabuti naman at inamin mong umiiyak ka nga. Super deny ka kanina."

I giggled at pinalo siya sa tiyan.

Bobby gently lifted my chin and forced me to look at him. Masuyo niyang pinahid ng pad ng hinlalaki niya ang luhang namuo sa magkabilang-gilid ng mga mata ko. "No more crying, okay?" he said, almost a whisper. His dreamy eyes full of love, making an eye contact with me.

Isang maluwang na ngiti ang isinagot ko at marahang tumango habang hindi inihihiwalay ang tingin ko sa kanya.

I was sure that as long as Bobby was with me, there would be no more crying for me. O kung iiyak man ako ulit, alam kong palagi siyang nariyan para pahirin ang luha sa mga mata ko.

Isang malakas at exaggerated na tikhim ni Tita Liezel ang nag-break sa eye contact namin ni Bobby. Sabay pa kami ni Bobby na napatingin sa kanya.

"Hello, hello," aniyang pinandidilatan kaming dalawa ni Bobby. "Baka lang nakakalimutan n'yong andito pa kami. Hello, andito pa kami," biro niya habang kumakaway-kaway pa na ikinatawa ng buong pamilya ni Bobby.

Oh, God. Ang jologs lang ni Tita Liezel. Hindi na nahiya sa buong sosyal na pamilya ni Bobby.

Palihim kong pinandilatan si Tita Liezel. Then I simply rolled my eyeballs at her. Minsan talaga ay nagiging jologs si Tita Liezel. At corny na rin.

Ihinarap ako ni Bobby sa buong pamilya niya. He fondly put his hand inside the back pocket of my jeans. Ganoon din ang ginawa ko. Inilagay ko rin ang isang kamay ko sa likod ng bulsa ng pantalon niya. We would always do that to each other.

"Family, si Ashley Grace ko ulit," ani Bobby. There was pride and affection in his tone.

Nilibot ko ng tingin ang buong pamilya niya. I ended the gaze to her mom and smiled shyly. "Hello po ulit," nahihiyang sabi ko at maharang kumaway.

Ngumiti ng maluwang ang mommy ni Bobby. Isang ngiting sincere at welcoming. Hindi tulad ng ibinigay niya sa akin kanina kaya nakahinga ako ng maluwag. Mabuti naman. Hindi ko na yata kakayanin kung may take two pa ng pangyayari kanina sa bahay nila.

"Hi ulit, Ashley," nakangiting bati ni Ate Two. Her smile was warm.

"Hello again, Ashley Grace ni Bobby," masiglang bati rin ni Ate Three. Ang luwang ng ngiti niya sa akin. And then she tuned her gaze to Bobby. "Kailangan ba talaga ay laging may possessive note kapag binabanggit mo ang name ni Ashley?" she said, her tone was teasing.

Bobby laughed quietly then looked me at with his dancing dreamy eyes before shifting his gaze back to his Ate Three. "Syempre para intense," he answered. "Ang besides, she's...mine." He half-smiled at me.

Oh, God. I almost died with those dancing dreamy eyes. And his damn sexy quiet laugh. And his fucking handsome half smile.

Doon pa lang ay kinikilig na ako. Pwera pa sa sagot niyang nakakakilig din.

My Make-Believe Boyfriend              College Hottie Series : Bobby and AshleyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon