Chapter 42 : Ashley Meets The Legitimate Lim Family

18K 404 61
                                    

ASHLEY

"'WAG NA KAYA tayong tumuloy?" pagdadalawang-isip ko bago pa man kami makapasok ni Bobby sa VIP Lounge ng Grandeur Hotel.

It was located in the topmost floor of the hotel, overlooking the entire Manila Bay.

The lounge was glass walled. Kaya kitang-kita ang buong Manila Bay mula sa loob.

There was a private elevator solely for this VIP Lounge. Na paglabas mo ng elevator ay nasa loob ka na ng lounge.

Masyadong grandioso ang VIP Lounge. Famous celebrities would always choose this because of its privacy and breathtaking view.

Sa Grandeur Hotel VIP Lounge nga nag-propose ang isang sikat na matinee idol sa kanyang non-showbiz girlfriend.

And Bobby, with his Santelices Green Card had it reserved for this meeting-the meeting with my father's legitimate family.

The Original Lim Family.

It was really good when you were best friends with the grandson of the hotel owner. You had all the perks.

Hindi naman kasi lahat ay napapa-reserve agad-agad ang VIP Room na ito ng isa sa mga five star hotels sa bansa.

I told Bobby I wanted something very private when I meet the whole Lim family.

Siguro ay dahil alam kong pribado silang tao.

At saka nasanay na rin akong itinatago ako noon kaya ganito na rin ang dating sa akin sa tuwing magkikita kami ng tatay ko.

Laging patago.

Ang bitter mo na naman, Ash, paalala ko sa sarili.

Agad akong nagtago sa isang sulok na hindi kami mai-spot-an ng Original Lim Family.

Nakita kong naroroon na silang lahat.

My father, Percival. Auntie Maris. Princess. Pauline. Patrick.

Full force sila.

Hinawakan ni Bobby ang dalawa kong kamay. Napangiti siya nang maramdaman ang sobrang panlalamig ng mga kamay ko. Patunay lang na kinakabahan ako ng sobra.

"Is that what you really want?" malambing na balik-tanong niya sa akin sa itinanong ko.

Pagkatapos ay dinala niya ang mga palad ko sa labi niya at hinipan ang mga palad ko nang hindi inaalis ang tingin niya sa akin.

Ang mainit niyang hininga ay dumampi sa nanlalamig kong mga kamay. It gave me comfort.

And it made me smile.

I sighed. Hindi ko alam ang isasagot ko. Ayoko na nga bang tumuloy?

They were already seated at the table in the middle, looking all agitated.

Parang hindi sila lahat mapakali. They were waiting for me, I knew.

Ang anak sa labas na gusto nilang makausap.

The bitch in me was giving this meeting a second thought.

What if I stood them up?

Paghintayin ko kaya sila nang matagal pagkatapos ay i-text ko sila na hindi ako makakarating.

Guys, sorry I can't make it. Busy pala ako...

Ha! Ha! Ha! Ano kaya ang magiging reaksyon nila?

Subukan ko kaya?

Para man lang makaganti ako sa lahat ng pasakit at luha na dinanas ko sa kanila-intentional man nilang ginawa o hindi.

My Make-Believe Boyfriend              College Hottie Series : Bobby and AshleyWhere stories live. Discover now