Chapter 40 : Totally Gays

22K 414 144
                                    

BOBBY

"IKAW, BOB, KUMUSTA ang naging lakad mo?" Tres asked me at tumungga ng alak mula sa bote ng beer niya.

Napatingin silang lahat sa akin.

Napahilamos ako sa mukha. Naramdaman ko ang sakit sa likod ng palad ko nang gawin ko iyon. I let out a long sigh at malungkot na ngumiti. "I failed..."

Lahat kami ay natahimik. Yumuko ako at naramdaman ko na lang ang kamay ni Cobi na dumapo sa balikat ko. Pinisil niya ang balikat ko.

I looked at him and smiled. Pagkatapos ay tinapik siya sa hita.

"Just don't ask me why I failed but I think I did..." sabi ko sa kanilang tatlo.

Tinapik ako ni Lucas sa balikat. Si Tres naman ay marahang tumango at tinungga ang bote ng beer na hawak.

Then we went all quiet.

Maya-maya ay tumayo ako. "Excuse me...May kakausapin lang ako," paalam ko sa kanila.

Tumango lang silang lahat. Ako naman ay tinungo ang sarili kong kuwarto sa suite.

Iisang tao lang ang gusto kong makausap ngayon.

Kinuha ko ang cellphone ko. I checked if Miranda was online. She was.

Napatingin ako sa oras. Halos maga-alas sais na ng umaga sa Pilipinas ngayon.

I needed to hear what Miranda had to say. Ewan ko pero gumagaan ang loob ko kapag nakakausap ko si Miranda tungkol sa mga bagay-bagay na nagpapagulo minsan sa isipan ko.

Alam kong hindi lang ako ang ganito kay Miranda. Si Ashley Grace din. O siguro ay lahat kami.

Miranda was the kind of person who will always listen and will not judge. Sa lahat ng b-in-ully ni Ashley sa HFU, kay Miranda siya may pinakamalaking kasalanan.

Ashley bullied Miranda bigtime. What Ashley did was very traumatic to Miranda. At nagpapasalamat akong pinatawad ni Miranda si Ashley.

Pumunta ako sa chat box ng cellphone ko.

You're up? I wrote.

Napangiti ako nang makita kong nabasa niya ang message ko. Nakita ko ang paggalaw ng tatlong dots sa chat box. Ibig sabihin lang ay sumusulat siya ng reply.

Yes. How are you?

Video chat? I asked.

Sure, mabilis na reply ni Miranda.

Agad-agad ko siyang tinawagan. Maya-maya ay lumitaw na ang magandang mukha ni Miranda sa screen ng cellphone ko.

"Bobby!" masaya niyang bati sa akin. Mukhang nasa dining table siya nakaupo dahil kita ko ang kusina sa bandang likuran niya.

Kumaway pa si Miranda sa akin. "Kumusta kayo?"

Miranda was my and Ashley's bebe girl. Dahil wala akong mas batang kapatid kaysa sa akin, I treated her like my younger sister. We all treated her like our younger sister. Pero madalas na siya pa ang pinaka-logical na mag-isip sa aming lahat.

Alam niya ang tungkol sa gagawin kong pakikipagkita sa mommy ni Ashley. Alam nilang lahat maliban kay Ashley.

"Nagising ba kita?" I fondly asked. Linggo ngayon sa Pilipinas kaya wala siyang pasok.

Umiling siya at itinali sa ponytail ang buhok habang nakikipag-usap sa akin. "Kanina pa ako gising. Maaga kasing nagising si Lolo kaya nagising na rin ako para ipagluto s'ya ng almusal. Maya-mayang konti ay magsisimba na kami."

My Make-Believe Boyfriend              College Hottie Series : Bobby and AshleyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon