Chapter 56 : The Aldus And Gracie Break Up

19.3K 501 983
                                    

Hi to alapagblue12! 🙋
Thank you for loving Aldus and Gracie ❤ -- Dyosa

*******************************

ASHLEY

"GRACIE..." ANI BOBBY at lalapit na naman sa akin pero agad akong umatras. Alam kong wala na akong aatrasan dahil lumapat na ang likod ko sa pader.

At sa namumuong mga luha dala ng labis na hinanakit ay tumingin ako nang diretso sa mga mata niya.

"Why?" puno ng hinanakit at mapait kong tanong.

God, ang sakit lang tanggapin na nagsinungaling siya sa akin dahil kay Kate.

Napahilamos sa mukha si Bobby at frustrated na naglabas ng isang malalim na buntong-hininga.

"Ayoko na kasing mag-away na naman tayo dahil lang nagpunta na naman ako kina Kate," parang napapagod niyang sabi.

Nagpapaunawa ang tinig niya. Pagkatapos ay napasuklay pa siya sa buhok.

Sarkastiko akong tumawa. "Tang ina, Bobby! Sa tingin mo hindi tayo mag-aaway sa pagsisinungaling mo sa akin? Hindi ko kasi kahit kailan inisip na magsisinungaling ka sa akin. You always tell me the truth!" sigaw ko.

"I didn't tell you the truth because I don't want us to quarrel over Kate again. Alam kong importante sa 'yo ang birthday celebration ng Ah Ma mo. I did not want to ruin it. At alam kong masisira ang mood mo kapag nalaman mong galing ako kina Kate--hindi dahil gusto ko kundi dahil napilitan ako dahil tumawag na naman si Tita Elvie sa akin. Mag-aaway na naman tayo kapag nalaman mo. Masisira ang mood mo--"

"Kaya nagsinungaling ka, gan'on?"

"Listen, Gracie--"

Pero hindi ako nakinig. "Fuck you!" sigaw ko sabay taas ng middle finger ko sa kanya. "Parang pinalalabas mong dapat pa akong magpasalamat na nagsinungaling ka sa--"

"I said listen!" sigaw ni Bobby.

Natigilan ako. It was the first time that he raised his voice on me.

First time.

When I met his gaze, there was no any remorse written in his face. He was just clenching his jaw. Halatang nagpipigil ng galit. His dreamy eyes looked so tired and disappointed.

Tinapatan ko ng isang tinging puno ng galit ang tingin niya sa akin. My fists on both sides were clenched.

Dahil nasa punto na ako na kahit anong mahawakan ko ay ibabalibag ko.

Nasa punto na ako na gusto ko ng manakit para makaganti sa sakit na idinudulot niya sa akin.

He raised his voice on me.

Because we were fighting.

Sino nga ulit ang pinag-aawayan namin?

Si Kate.

Putang ina!

Tumalikod siya sa akin at pinuno ng hangin ang dibdib. Pagkatapos ay galit na napasabunot sa buhok.

"Ahhh!" frustrated niyang sigaw. Sinipa pa niya ang paanan ng sofa namin, dala marahil ng matinding frustration na nararamdaman. Pagkatapos ay napahilamos muli sa mukha.

"Pucha..." he muttered while his face was buried on his palms. "Damn it!"

Nakatingin lang ako sa kanya. My breathing was ragged. Mabilis ang pagtaas-baba ng magkabilang-balikat ko. I was also trying to pacify myself.

Didn't I tell myself I will try to listen to his side first?

Nang humarap si Bobby sa akin ay tila kalmado na siya. Pero hindi siya nagtangkang lumapit sa akin.

My Make-Believe Boyfriend              College Hottie Series : Bobby and AshleyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon